Armed conflict, Culture, History, Human Rights

A dad’s day offering

Special father’s day offering: You can watch the entire film by Costa-Gavras, titled “Missing”. The film is about a father’s search for his missing son, one of many who disappeared after the right-wing coup in Chile in September 11, 1973. This film stars Jack Lemmon, who starred in another father’s day film, “Dad.” I like this Costa-Gavras film more, though. Happy dads’ day to all dads. [To watch the rest of the film, you can go to the part 2 of this film: http://www.youtube.com/watch?v=wmNKBhvcn0Y&feature=related, then search for the rest in YouTube.]

Standard
Armed conflict, Culture, Human Rights, journalism

Photographing defiance against impunity

No single image or photo can adequately capture the phenomenon of “impunity” in the country, much less the efforts to curb or stop it. But that was exactly the challenge that the National Union of People’s Lawyers (NUPL)’s photo contest posed to photographers: Present a single image that visually captures our fight against impunity. I entered the contest with the idea of submitting some of my photos that invoked resistance or struggle against state-sponsored violence, either in the provinces where the various armed conflicts are most vividly experienced, or in the metropolitan streets, where the protests are most frequently expressed. I am thankful that the NUPL’s judges, Attys. Charlie Yu and Greg Fabros, as well as Edith Burgos and (legendary) Associated Press chief photographer Bullit Marquez, chose two of my entries in the top ten, and chose one of my submissions as the first prize. The latter photo, which I clumsily titled “Act of Defiance,” shows an urban poor activist braving the water canons employed by anti-riot policemen during a protest rally against repressive policies of then President Arroyo’s regime, in 2006. (Trivia: I used a FILM SLR Nikon camera for this photo. Yes, I was still using film as late as 2006. Hehe.)

While I am proud of this photo (if I remember correctly, this was one of my “Hail Mary” photos), some of the other submissions — the ones that I did see, because I arrived, uhm, late during the awarding program last January 27 — are quite compelling. I wish NUPL would publish the submissions, or at least the ten finalists, in their website, blog or Facebook account.

Here is one of my submissions; one of the ten finalists: a photo of a Muslim man and his child awkwardly sitting between two paramilitary armed men in Munai, Lanao del Norte on October 2008. The paramilitary soldiers were a constant presence in refugee camps like the one that the man and his child sought refuge in, after government troops attacked Muslim communities with supposed Moro Islamic Liberation Front (MILF) presence in Lanao del Sur. These refugees fled their communities for fear of their lives.

 

Here is the so-called “winning” photo.

News of the contest in alternative newsmagazines Pinoy Weekly and Bulatlat.

Standard
Culture, Human Rights

Pakikiisa, pakikisangkot

Rebyu ng dulang My Name is Rachel Corrie
Isinadula ng New Voice Company
Tampok si Monique Wilson
Dinirehe ni Rito Asilo
Music Museum, Setyembre 3-4, 2010

Magulo, madilim at masikip ang kuwarto ni Rachel. Paggising sa umaga, nakatingala sa kisame. Parang sinusukluban siya nito. Pinipigilang kumilos, hinaharangan ang paglipad. Gusto niyang lumipad. Kalagitnaan ng kanyang maikling buhay, nakawala rin si Rachel. Nakarating sa Rusya at nakita ang malawak na mundo. “Nagising din ako. Habambuhay nang gising,” sabi niya. Nagbago ang buhay niya, ang pananaw sa mundo at paglahok dito.

Sa kanyang ika-23 taon, nahimok si Rachel na tumungo sa bansang Palestine sa Gitnang Silangan, bilang bahagi ng isang “nonviolent, direct action group” na International Solidarity Movement (ISM) na naikiisa sa di-marahas na paglaban ng mga mamamayang Palestino laban sa okupasyon ng armadong puwersa ng Israel. Malayo sa kanyang tahanan ngunit taglay ang diwa ng pakikipagkapwa-tao at paghangad ng hustisya, naging kaibigan ni Rachel ang mga Palestino. Kabilang siya sa mga dayuhang humaharang sa mga bulldozer ng Israel Defense Forces (IDF) na nagdedemolis ng bahay ng mga Palestino.

“Minsan, kasabay kong maghapunan ang mga tao, at naisip kong may malaking makinang militar na pumapalibot sa amin, nagtatangkang patayin ang mga taong kasalo ko sa hapunan,” ani Rachel. Isang araw, sa pagharang sa bulldozer ng Israel na naglalayong wasakin ang isa sa bahay ng mga Palestino, sinapit ni Rachel ang kanyang kamatayan. Tulad ng kanyang kisame, sinukluban si Rachel ng makinang militar. Inipit, dinurog, kinaladkad.

Ako ri Rachel

Sa imahe ng pagsuklob at pagsupil nagsimula at nagtapos ang dula (o mas angkop na tawaging monologo) na My Name is Rachel Corrie. Ibinatay sa mga sulatin, kabilang ang emails, journals at liham, ng Amerikanong aktibistang si Rachel Corrie mula sa Olympia, Washington, at hinabi para maging dula ng sikat na Ingles na aktor na si Alan Rickman at mamamahayag na si Katharine Viner noong 2005, tema ng dula ang paglaya sa isip at pagkatao ng isang bata, ang pagkamulat niya sa mundo at sa reyalidad nito, at ang paglahok niya at pag-alay ng buhay.

Hindi naman bago ang naratibong ito: Katunayan ito ang naratibo ng kabayanihan at pagkamartir. Batbat ang ating kasaysayan ng mga martir na nag-alay ng buhay para sa paninindigang mas malaki sa kanila, para sa kapakanang higit sa sarili nila. Batbat nito kahit ang rebolusyonaryong mga kilusan – nakaraan at kasalukuyan – sa bansa. Ang bago, marahil, ay ang pagbibigay-katawan ng isang kabataang babaing Amerikano sa naratibong ito. Isang 23-anyos na babaing Amerikano na tumahak sa landas ng pagkilala sa sarili at sa mundo. Isang kuwento na ayon kay Viner ay “di pangkaraniwan sa panahong ito.”

Continue reading

Standard
Culture

Book launch of ‘Paspas,’ by VJ Rubio

Koleksiyon ng maiikling kuwento ni Vincent Jan Cruz Rubio

Koleksiyon ng maiikling kuwento ni Vincent Jan Cruz Rubio

Ilulunsad ang librong ito sa 7: 30 ng gabi sa Oktubre 23, 2009 sa Nine Mile, Kalayaan Avenue, Quezon City.

(Direksiyon papuntang Nine Mile: Sa Kalayaan Avenue galing sa Quezon City Memorial Circle, mag-u-turn pagdating sa V. Luna Ave. Katabi ng New CitiFoodhaus.)

“Magandang daigdig, ano man ang anyo noon, ang gusto niyang ipundar. Para iyon mabuo, may itinatanggi at tinututulan, kasabay ng paggigiit sa pinaniniwalaan. At ganoon nga natin binubuo ang kahulugan ng buhay.

Si VJ, gusto lamang niyang maging manunulat. Iyon ang ekspresyon ng paghahanap niya ng kahulugan. Sa kanyang mundo ng imahinasyon, nagtatagumpay ang mga bida. Nabibigo ang masasama. Pinagtatawanan niya ang kahibangan ng power. Sinisikhayan niya ang ipinupunlang pag-asa. May buhay siyang binubuo sa kanyang mga akda. Dito’y napipino niya ang magulong realidad ng kanyang lipunan. Ang munting koleksyong ito ang iyong unang alay sa paglikha, laman nito ang iyong isip, ang iyong buhay. Sapagkat may iniwan ka, mayroon ding matatandaan. Mabuhay ka, VJ.”

(Mula sa ‘Pagpapakilala Kay VJ,’Paunang Salita ni Jun Cruz Reyes)

Ginto ang oras. Kaya hindi tayo nauubusan ng mga pagkakataong kailangang habulin at madaliin: appointment, deadline, byahe, sundo, lovers’ rendezvous, last full show, pag-empake ng bagahe, pamamaalam. Santong paspasan ang proseso sa paghahanap kung ang habol ay instant fame and fortune, instant connection, instant solution, instant gratification. Sa pagmamadali, may naiiwan at nabibitawan, may nawawala. Mga moment na mami-miss ‘pag kumurap. Poof! Bigla. Iglap. Kinunan ng kamera ng mata at panamdam ni Vincent Jan Cruz Rubio mang mga photo-finish na pagkakataong ito, prinoseso at dinebelop bilang maiikling kwento. Ang PAS PAS ay imbitasyong sumabit sa express trip ni VJ, paanyayang sumabay sa paglalakbay, nang ‘di maiwan, ‘di ma-miss, ‘di maka-miss.

(Mula sa Panimula)

Standard
Culture, Human Rights

Today is Pablo Neruda’s 36th death anniversary

Pablo Neruda

Testimonials from Matilde Neruda, Pablo’s wife, and Joan Jara, wife of murdered Chilean musician Victor Jara, regarding the poet’s death in September 23, 1973, or just 12 days after fascist forces in Chile staged a violent coup to topple the democratically elected government of Salvador Allende.

Death of a Poet

Matilde Urrutia Neruda

One could say that Pablo was a happy man. This could be perceived in everything he wrote, even when he was forced to keep to his bed.

He had somewhat recovered from his illness, but the day of the coup d’état was a very trying one for him. When we learned of Salvador Allende’s death, the doctor called me immediately and said: “Keep all the news from Pablo, for it could put him beyond recovery.”

Pablo had a TV set in front of his bed. He would send his driver to fetch all the newspapers. He also had a radio that got all the news. We heard of Allende’s death through a Mendoza (Argentinian) station, and this announcement killed him. Yes, it killed him.

On the day following Allende’s death, Pablo awoke in a fever, with no access to medical care, because the head doctor had been arrested and his assistant did not dare to go as far as Isla Negra. Thus we were isolated without medical help. The days were passing and Pablo’s condition was growing worse. At the end of the fifth day, I called the physician and told him, “We must take him to a clinic. He is seriously ill.”

All day he was riveted to the radio—listening to stations in Venezuela, Argentina and the Soviet Union. Finally, he grasped the situation.

His mind was perfectly lucid—absolutely clear till he fell asleep.

At the end of five days I called a private ambulance to take him to a Santiago clinic. The vehicle was thoroughly searched during the trip, which disturbed him greatly. There were other brutalities, and that also affected him visibly. I was at his side. It was terrible for him. I kept telling them: “It’s Pablo Neruda. He is very ill. Let us through.” It was frightful, and he reached the clinic in a critical condition.

Pablo died at 10:30 p.m. and no one was able to go to the clinic because of the curfew. I then had him transported to his Santiago home, which had been destroyed—books, everything. There we kept watch, and many people came, in spite of the times we were passing through in Santiago.

When we arrived at the cemetery, people came from everywhere, all workers with hard, serious faces. Half of them kept shouting, “Pablo Neruda,” and the other half replied: “Present.” This crowd entered the cemetery singing “The Internationale” in spite of the repression.

***

Joan Jara

Hundreds pf people had gathered to honor Neruda, in spite of the soldiers lining the streets, machine guns threatening, at the ready, and the secret police scanning the crowd for wanted faces. Quena and I started off fairly near the front of the procession, but gradually lagged further and further behind because I seemed incapable of walking faster; it cost me to put one foot in front of the other. As we walked through the back streets towards the cemetery, I heard Neruda’s poetry being recited by one person after another in the crowd, verse after verse, defying the menace of the uniforms surrounding us; I saw the workers: on a building site, standing to attention with their yellow helmets in their hands, high above us on a scaffolding; others lined the pavement with the soldiers hemming us in.

“Sube a nacer conmigo, hermano,” (“Arise to be born with me, my brother”) and “Come and see the blood in the streets…” Neruda’s verses took on an even greater significance as voice after voice took them up, confronting the visible face of fascism. As I walked, I knew I was not alone, I knew that this was also Victor’s funeral and that of all those compañeros who had been massacred by the military, many of them flung anonymously into common graves. The presence of dozens of foreign journalists, film crews, television cameras, protected us from aggression and interference, but as the procession reached the last stage of the march at the rotunda in front of the main gates of the cemetery, a military convoy with armoured trucks rounded it in the opposite direction, looming over us. The crowd responded with cries of “Compañero Pablo Neruda: Presente, ahora y siempre!” “Compañero Salvador Allende: Presente, ahora y siempre!” and then breaking into “The Internationale,” raggedly, nervous at first, but then with more strength as everyone started to sing. It was Popular Unity’s last public demonstration in Chile, the first public demonstration of resistance to a fascist regime.

Lifted from Chile The Other September 11: An Anthology of Reflections on the 1973 Coup, 2006 Ocean Press. Thanks to Teo for lending me the book.

For facts about Neruda’s life and death, here is the wikipedia entry about him.

Standard
Culture, Etc., Human Rights

Mamamahayag, mulat

Isa sa mga kuha ni Christian Poveda, palagay ko sa El Salvador. Mahusay at matalas (sa nilalaman) ang mga kuha niya. (Mula sa http://www.agencevu.com/photographers/photographer.php?id=70)

Isa sa mga kuha ni Christian Poveda, palagay ko sa El Salvador. Mahusay at matalas (sa nilalaman) ang mga kuha niya. (Mula sa Agence Vu)

Sa internet, natisod ko ang isang balita hinggil sa pagpatay noong nakaraang linggo sa isang French-Spanish na litratista at filmmaker, si Christian Poveda. Binasa ko ang ilang artikulo sa internet hinggil sa kanya. Nakakalungkot ang pagkamatay niya. Ang ganda ng trailer ng kanyang pinakabagong dokumentaryo, La Vida Loca (huwag ipagkamali sa pelikula ni Robin Padilla, o lalu sa kanta ni Ricky Martin). Hinggil sa mga gang sa San Salvador, El Salvador ang pelikula niya.

Mukhang sinubaybayan niya sa loob ng 16 buwan ang magkakalaban na mga gang sa lugar na iyon.  Sa isang panayam kay Poveda ng LA Times (panoorin ang bidyo rito, may mga larawan din niya sa Flickr), sinabi niyang maisisisi sa interbensiyon ng gobyernong US noong dekada ’80 ang paglaganap ng mga gang doon ngayon. Kung tama ang kuha ko sa sinabi niya, mukhang pinalaya ang marami sa mga kriminal ng US at napadpad sa San Salvador matapos magkaroon ng peace accord sa pagitan ng mga rebelde at rehimeng suportado ng gobyernong US. Simpatetiko si Poveda sa kabataang nasasangkot sa mga gang, at ipinakita niya ang kultura ng karahasang lumalamon sa kanilang maralitang mga kabataan ng San Salvador na tila kinalimutan na ng mga nagdaan at kasalukuyang gobyerno roon.

Sabi rin sa mga sulatin sa internet, litratista si Poveda na bumabad sa El Salvador noong dekada ’80 para ikober ang giyerang sibil doon, at ang malawakang panunupil sa kalayaang sibil ng mga mamamayan sa bansang iyon. (Tunghayan ang ilan sa mga larawan niya rito.) Sa El Salvador sumikat ang terminong “desaparecidos” na tumutukoy sa mga taong nadudukot ng pinaghihinalaang mga ahente ng estado (karamiha’y dahil sa pampulitikang paninindigan nila) at hindi na nalalaman kung saan napunta. Ayon kay William Stanley, sa librong The Protection Racket State (1996), may naitalang 42,171 pampulitikang pamamaslang ng estado sa mga sibilyan at binabansagang kritiko nito, sa loob lamang ng anim-na-taong peak ng pasistang rehimen doon mula 1978 hanggang 1983. (“Mani-mani” pa lang pala ang mahigit 1,000 pampulitikang pamamaslang na isinagawa ng mga ahente diumano ng gobyernong Arroyo sa loob ng walong taon. Pero pareho pa rin pasista.) Aabot daw sa isang porsiyento ng populasyon ng El Salvador ang nasawi sa pasistang atake ng estado roon sa panahong ito.

Madaling makuha ang punto ni Poveda hinggil sa sadyang pagpapalaganap ng dekadente at anti-sosyal na kultura sa kabataan sa isang lugar na matindi ang panunupil. Sa lipunang may matinding kawalan ng oportunidad na makaahon sa kahirapan, naghahanap ang kabataan ng kahulugan at pangkat na mapag-aalayan nila ng enerhiya at talino. Sa mga lugar na walang progresibong kilusang gigiya sa kanilang enerhiya para sa makabuluhang panlipunang pagbabago, maaaring lumalakas ang kultura ng gangsterismo. Estado lamang ang lumalakas sa dekadente at mapangwasak na kulturang ito, kaya hinahayaan lamang nila ang paglaganap nito. Panoorin, halimbawa, ang City of God nina Fernando Mereilles at Katie Lund noong 2002, hinggil sa kulturang ganito rin sa Brazil. Sa Pilipinas, magandang mapanood ang Batch ’81 ni Mike de Leon (1982) (Maaaring mapanood ang pelikula sa YouTube), bagamat mas tungkol ito sa mga fraternity sa hanay ng kabataang petiburges (kalalakihang estudyante ng isang malaking unibersidad ang mga karakter sa pelikula). Nandiyan din ang pelikula ni Jim Libiran noong 2007 (panoorin ang trailer dito). Maganda ring panoorin ang progresibong silip ng Sine Patriyotiko (Sipat) sa mga tribu-tribu sa Caloocan noong 2004, ang Mula sa Third Ave Hanggang Dulo (basahin ang “pagpapakilala” ni Roland Tolentino sa dokumentaryo). Hindi dokumentaryo ang Tribu, at nagkamal ng maraming papuri at award (Kahit rin pala ang Mula sa Third Ave ng Sipat, nagawaran ng CCP). Maganda ang pagkakagawa nito, pero ang problema ko lang sa Tribu ay parang nabitin ito sa simpleng pagkukuwento ng espisipikong naratibo ng bangayan sa pagitan ng dalawang tribu. Marahas siyempre ang bangayan, pero ang dating sa akin, parang sinasabi nito na ang problema lang sa mga tribu ay kawalan ng gabay ng mga magulang sa pariwang mga anak nila na nalululong sa droga,  seks, hiphop, barkada,  tribu. Tulad nga ng sinabi ni Poveda, hindi ganun kasimple iyun.

* * *

Si James Woods bilang litratistang "namulat" sa matinding panunupil ng estado, sa pelikulang "Salvador."

Si James Woods bilang litratistang "namulat" sa matinding panunupil ng estado, sa pelikulang "Salvador."

Katulad ni Poveda na photojournalist ang Amerikanong karakter ni James Woods na Richard Boyle sa pelikulang Salvador ni Oliver Stone noong 1986 (Mapapanood din sa YouTube). Kahit na may pagka-Hollywood ang pacing at kuwento ng pelikulang ito (parang andami-daming nangyayari sa iisang karakter), kapani-paniwala ang unti-unting debelopment sa karakter ni Woods habang lumalala ang pampulitikang sitwasyon at panunupil sa El Salvador noong 1979. Nasaksihan niya ang — at nabago siya ng — malawakang paglabag sa karapatang pantao, pati na ang pagpatay kay Arsobispo Oscar Romero at paggahasa at pagpaslang sa apat na Amerikanong madre na tumutulong sa mga biktima din ng represyon ng estado. Nahikayat ang karakter ni Woods tungo sa pagkamuhi sa estado sa El Salvador at pagpanig pa nga sa mga nakikipaglaban para sa hustisya sosyal tulad ng mga rebolusyonaryong gerilya ng FMLN. Siguro marami pang ibang mamamahayag ang tulad ni Boyle (na isa palang tunay na tao) at Poveda na ganoon din ang naging transpormasyon habang nagkokober sila sa El Salvador noong panahong iyon.

[Salamat sa Google, natanto ko ring naging kandidato sa isang posisyon sa gobyerno sa US (sa pagbasa sa website, parang di malinaw sa akin kung anong posisyon) iyung Boyle na karakter ni Woods. Di ko alam kung nanalo siya. Pero kasabay niyang tumakbo ang isang Eufracia "Percy" Boyle, na ayon sa website na ito ay isang Pilipina na lumikas sa kanyang bayan sa Samar dahil sa pasistang diktadura ni Marcos:

"In my native homeland, the Philippines, I knew dear friends that Ferdinand Marcos' death squads dragged off in the night. Civil rights workers, labor leaders, even priests and nuns, all who opposed his cruel dictatorship were tortured and horribly mutilated. I fled my southern Samar village at age 13 and went north to go to school..."

Maliit lang talaga ang mundo, at magkakatulad ang karanasan ng iba't ibang mamamayan.]

May pelikula palang bago si Oliver Stone: South of the Border, hinggil kay Hugo Chavez, presidente ng Venezuela, at sa ilang mga lider sa South America na ngayo’y naninindigan laban sa pampulitika at pang-ekonomiyang dominasyon ng US sa rehiyon. Siyempre, hindi ko pa napapanood. Pero magandang abangan. Gayundin ang bagong dokumentaryo ni Michael Moore na Capitalism: A Love Story.

* * *

Humanga ako sa passion ni Alexis Tioseco para sa pelikulang Pilipino. Mababasa sa mga sulatin niya ang malalim na pagmamahal sa isang kultural na kasaysayan na tila walang interes ang mga nasa kapangyarihan na buhayin at pagyamanin. Nakakalungkot at nakakagalit ang nangyari sa kanya at sa kanyang kasintahan at kapwa kritiko sa pelikula na si Nika Bohinc.

* * *

Pakikidalamhati rin ito sa isa sa masisipag at mahusay na progresibong mamamahayag ng Pinoy Weekly na si Jeffrey Ocampo. Pumanaw kamakailan ang ina niya. Condolence, Jeff…

Standard