Etc.

Picking a fight with the “great” Sheila Coronel?

I don’t like confrontations and I don’t like picking fights, especially because I’m the disadvantaged one (an insignificant mosquito of a journalist). Pero di ko talaga magets kung bakit sinabi o sinulat ito ni Sheila Coronel ng the “esteemed” PCIJ. Gumawa ako ng “jolog” na sagot sa kanya. For the sake of fairness, ilalagay ko rin sa post ang orihinal na sinulat ni Coronel.

*****

Reaksiyon ito sa blog entry ni Sheila Coronel hinggil sa media killings.

Napaka-problematic ng sinasabi ni Shiela Coronel. Mahirap patunayang dahil sa mga protesta sa killings kaya nagpapatuloy at tumitindi pa ang killings. Kung sina Rep. Alfelor ay sinisisi pa ang mismong media sa pagtindi ng killings (masyado daw sensitibo ang mga Pinoy sa kritisismo), si Coronel naman, isinisisi pa ang killings sa NUJP at iba pang umaalma. Ibig ba niyang sabihing mas mabuti pa sanang nanahimik na lang tayo sa killings para hindi na lumala pa?

Hinalintulad pa niya sa suicides at kidnappings ang media killings. Pero napakalayo ng suicides at laluna kidnappings. Pagpina-publicize ang suicides at kidnappings, habol lamang ng media na i-sensationalize ang mga krimeng ito. Pero sa pag-publicize ng media killings, inevitable na maiuugnay mo ang krimen sa sinulat o sinabi niya.

Sa media killings, malinaw na may mga pulitikal na motibo – para patahimikin ang isang kritikal na peryodista o brodkaster. Ang pangunahing tumutulak sa isang politiko (halimbawa) na papatayin ang journalist ay dahil out of convenience, hindi dahil nakakuha siya ng ideya na uso ngayon ang pagpatay sa mga journalist.

Ang hindi magets ni Coronel, kailangang iugnay ang media killings sa buong politikal na klima ng bansa. Mayroong isang gobyerno na nag-eemploy ng violence sa sinumang kritikal sa kanya (activist killings), na ang tanging alam na pagsugpo sa rebelyon ay militarisasyon. Hindi malayong isipin na pati mga lokal na politiko, ganito rin ang magiging aktitud sa mga lokal na mamamahayag na kritikal sa kanila.

Papaano ba ang relasyon ng militar/pulis sa mga lokal na political clans/trapos? Diba madalas na nagsisilbing mersenaryo at protektor ang militar/pulis ang mga politiko? Mahirap ba para kay Coronel na isiping napakadali ng mga politiko na makiusap sa mga mersenaryo nila para “patahimikin” ang isang kritiko? Hindi ba repleksiyon ang pagkakasangkot ng mga militar at pulis sa media killings ng mismong oryentasyon ng AFP at PNP (“mercenary tradition” ika nga ni JMS)?

Parang may ini-imply pa si Coronel na hindi “responsible enough” ang midya (tulad daw ni Jun Pala) kaya pinapatay ang mga ito. Pag-toe ito sa mismong line ng estado na in-express ni Rep. Alfelor! Tingin ko, kabaliktaran pa nga ang dapat na pagtingin: kaya nga maraming pinapatay na mediamen, kasi maraming umaaray na politiko! (Hindi naman sila aaray kung walang katotohanan ang mga sinusulat/sinasabi ng mga mamamahayag) Dahil ginagawa mismo ng mga mamamahayag ang trabaho nila kaya sila pinapatay!

(Ngayon, bakit community journalists lamang ang pinapatay at hindi mga Manila-based journalists? Dahil ba may mas tendensiya ang community journalists na maging tapat sa propesyon nila at hindi madiktahan ng demands ng komersiyo?)

Sa totoo lang, hinog nang maiangat natin ang media killings sa lebel ng politikal. Ipinakita ng pagpatay ng militar sa mga aktibista kung ano ang polisiya ng pambansang gobyerno sa mga kritikal sa kanya. Ipinamalas na ng pagdawit sa NUJP at PCIJ sa talaan ng “enemies of the state” na may ganito ngang pagtingin ang gobyerno sa midya.

Tama si Coronel sa isang bagay – na hindi na lamang sasapat ang “exposing and opposing” at “castigating an indifferent government”. Isyu na ng karapatan para mag-“expose and oppose” at karapatang mangastigo ng midya. Isa itong isyung maaari lamang ipaglaban sa pamamagitan ng pag-iingay at pagprotesta laban sa estadong tinuturing nang kaaway ang midya.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s