Political Crisis

Shaping Up Before Shipping (Her) Out

Nakakaiyak na nakakainip.

Tulad ng maraming nasanay sa “instant gratification,” inasahan ko nang masisipa si Gloria the moment na lumabas ang “hello Garci.” Siguro, masyado lang akong mainipin. Tutal, sabi nila, mula nang mamatay si Ninoy, tatlong taon bago napatalsik si Macoy. Kaya huwag umasa na matatapos agad ang laban. Kahit nga si Erap, tatlong buwan pa ang inabot mula nang lumantad si Chavit bago natsugi. Fine, sabi ko sa sarili ko. Magpapalakas pa ang kilusang anti-GMA. Kailangan pang makumpleto ang mga rekisitos (simbahan, mga Kano, negosyante, militar, middle class, Kris Aquino). Kailangan pang magkaisa ang oposisyon. Kailangan pang bumaklas ang malaking bitak sa kampo ni Gloria. Kailangan pa ng mas malalaking rali.

In other words, marami ka pang kakaining bigas, Manong Rez at Kuya Chiz.

Kaya sige, kung ganyan ang kalakaran, magmamatigas si Gloria, willing naman tayong magpalakas pa. Wala namang masama kung maghintay tayo hanggang dumating ang tamang moment. At samantalang ginagawa pa natin ito, pagkakabisihan ko muna ang pagtatapos sa Twice Blessed ni Ninotchka Rosca at pagsusulat ng marami kong gustong isulat (like, you know, those Sinewaya essays…). May at least limang deebeeedeee pa akong binili na hindi napapanood. Kailangan ko ring simulan ang pagja-jogging/swimming/badmintoning para may nice bod pagdating ng inaasahang tagumpay.

Pero naloka ako sa narinig ko kahapon.

Kahapon kasi, bumuntot ako sa kay lolo Boy (sa Pilipinas ka lang makakakita ng lolong may pangalang “Boy”) para umatend sa pagbubukas ng opis ng NUJP. Actually, blessing siya pero di na namin inabutan ang blessing. We were blessed na kainan na lang ang inabutan namin ni lolo Boy. So to make the long, boring story short, ayun na nga, andun ang idol na si Dean Teodoro. Of course, talking politics ang moda sa mga okasyong ganito. Hindi namin ka-table si Dean, pero bago siya umalis, napadaan siya sa table namin at nabanggit kay lolo Boy na sa tingin niya mga sampung buwan pa ang aabutin bago matsugi si GMA.

Sampung buwan.

Siyempre, si Dean Teodoro yun (sabi nga ni Faj/Jayson “Luis Teodoro is Luis Teodoro”). Tingin niya matagal pa bago masisipa si Gloria. Sa kabila ng malalaking rally na mina-mount ng oposisyon at ng progressive movement (sa 80,000, pinakamalaki ang SONA rali sa kasaysayan ng mga SONA rali after FQS. ito rin ang pinakamalaking rali sa recent history, period). Sa kabila ng lahat.

Haaay. Bakit Lord. Sabi nga ng kapitbahay nina Joms, pag nakikita niya si Gloria sa TV, parang nahihilo at nasusuka siya. At talaga ngang sukang suka na tayo dito kay Gloria. Nakakaasar na talaga siya. Pero despite all the kadiriness and yucky factor na makaka-compell sa mga masa na bumuhos sa lansangan to make their disgust known, ayaw talaga ni Gloria. Kailangan pang milyun-milyon ang magrali bago mangyari ito. At siyempre, for that critical mass to…uhm…mass up, panahon ang kailangan. Sabi ni Joma, aabutin ng three to six months. Pero mas mahaba pa daw dito, sabi ni Dean Teodoro. Basta ang sigurado, hindi pa bukas o sa makalawa, o sa pamamagitan ng mga susunod na rali ngayong agosto.

Grabe, the suspense is killing me. Baka mauna pa akong mamatay bago si Gloria. Kaya sige na nga, to keep in shape, makapag-badminton nga muna.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s