Human Rights

Of Punks, Prizefighters and Prisoners of Conscience

WHILE waiting for pages to proofread in the office, I killed time watching Hurricane, a film about Rubin “Hurricane” Carter, a talented prizefighter who was imprisoned for more than 30 years for a crime he did not commit. This seems to be a most fitting theme for our times , with the wrongful imprisonment of Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran and the House “arrest” of the Batasan 5.

A lesser known but equally outrageous act of injustice has been done on the so-called Sagada 11 — backpacking “pangkista” kids who were wrongfully arrested, tortured and detained by the police in Sagada.

Here is an article that came out in Pinoy Weekly about the Sagada 11:

Matapos mamasyal sa Sagada
KabataanTinortyur, Pinaratangang Rebelde

LUNGSOD BAGUIO – Kakaibang karanasan ang ninais ni Rundren Berloize Lao, 24, mula Lungsod Davao, at mga kasamahan niya, nang magdesisyon silang umakyat sa kabundukan ng Sagada sa Mountain Province.

Ngunit kakaibang karahasan ang natanggap nila. Katunayan, muntik na silang mamatay sa pagpunta sa lugar.

Mula sa isang konsiyertong punk sa Tarlac, nagdesisyong pumunta sina Rundren at mga kasamahan niya sa Baguio noong Pebrero 11 para sa taunang Baguio Flower Festival doon. “Dahil sabi nila maganda daw ang Panagbenga,” ani Rundren.

Umaga ng Pebrero 14 nang makisakay sina Rundren sa isang dump truck sa Baguio-Bontoc Road (Halsema Highway).

Tanghali nang harangin sila ng mga pulis na naghahanap ng mga rebeldeng NPA (New People’s Army) sa isang checkpoint sa Brgy. Bangao, Buguias sa hilagang Benguet.

“Tinutukan agad kami ng mga baril na mahahaba,” salaysay ni Rundren, nanginginig pa ang boses dahil sa nangyari. Aniya, tinadyakan at minaltrato sila ng mga pulis. Puno ng mga pasa ang kanyang likod, binti at braso.

Tinali at pinosasan si Rundren at mga kasamahan niya, at dinala sa istasyon ng 1604th Police Mobile Group sa Kampo Molintas, Abatan sa Benguet. Doon pinahirapan sila ng mga pulis, ayon kay Rundren.

Piniringan sila at tinanong kung mga NPA sila. “Tinanong nila ako kung sino si Simon Naogsan,” ani Rundren, na maliban sa pagturing sa sarili bilang punk na naka-dredlocks na buhoy ay estudyante ng inhinyera sa University of Mindanao.

Dating inhinyero sa gobyerno si Naogsan na sumapi sa NPA noong dekada ’90 at tumatayong tagapagsalita ng Cordillera Peoples Democratic Front.

Pinagsususpetsahan ng pulisya na pinamunuan ni Naogsan ang pagsalakay ng NPA sa mga puwersa ng militar sa Brgy. Cabiten, Mankayan, Benguet noong Pebrero 10. Sa pangyayaring ito, tatlong sundalo ang nasawi at 23 mataas na kalibreng armas ang tinangay ng mga rebelde.

Ngayon lang umano narinig ni Rundren ang pangalang “Naogsan” at ang lugar na Cabiten kung saan naganap ang pagsalakay. Ni hindi nga aktibista sa eskuwela si Rundren.

Kinuhanan pa umano sila ng litrato (mugshots) ng mga pulis.

Gabi ng Pebrero 14 may mga paramilitar na dumating sa 1604th headquarters at tinuro sila bilang mga “NPA” na lumahok sa pananalakay. “Lima sa amin ang naturo at pinagbubuntal sa katawan,” kuwento ni Rundren.

Sinabi pa ni Rundren na kinuryente ang isa sa kanyang mga kasamahan sa isang kuwarto. Narinig pa nila ang mga hiyaw ng kasamahang kinuryente. “Isinusupot pa ang mga ulo namin. Pinipilit nilang paaminin na kami’y mga NPA,” sabi pa niya.

Napilitan silang umamin sa bintang ng pulis na mga aktibista sila para lamang matigil ang panggugulpi sa kanila.

‘Pagtakas’

Hindi nagtagal, nagkaroon sila ng pagkakataong tumakas.

Gabi ng Pebrero 15 nang mag-inuman ang mga pulis sa himpilan. Habang naglalasing, isang pulis, may malaking katawan na sa tingin ni Rundren ay opisyal, ang pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya at hinampas siya sa binti ng tabla.

Sa kalagitnaan ng paglalasing, nagkaroon siya ng pagkakataong tumalon sa bintana patungo sa ilog sa ibaba. “Nagpagulong gulong ako at tumama pa ako sa isang malaking bato pababa,” sabi niya.

Habang tumatakas, pinaulanan siya ng bala ng mga pulis. Buti na lamang at hindi siya tinamaan. Gayunman, nagtamo siya ng maraming sugat at isang baling binti dahil sa pagtakas.

Ginamit ni Rundren ang kaalaman sa pag-akyat ng bundok para sundan ang ilog patungong mga kabahayan sa isang komunidad. Walang bahay na nagbukas ng pinto sa kanya para painumin siya at bigyan ng damit para sa lamig. “Narinig siguro nila yung mga putok,” ani Rundren.

Natulog siya sa ilalim ng isang bahay at pinagbuksan ng may-ari ng bahay para bigyan ng tubig at damit kinaumagahan. Kinailangan pa niyang gupitin ang dredlocks na buhok para di agad makilala.

Nakarating si Rundren sa highway kung saan nakisakay siya sa mga dumaang sasakyan patungong Baguio. Nagmakaawa pa siya sa mga drayber, sabi ni Rundren. Wala siyang pambayad sa pasahe dahil kinuha ng mga pulis ang mga gamit niya.

Bumalik si Rundren sa Burnham Park para humingi ng tulong. Walang tumulong sa kanya. Pumunta siya sa opisina ng Department of Social Welfare and Development-Cordillera na siya namang nagpasa sa kanya
sa National Bureau of Investigation-Cordillera.

Ineksamen siya ng isang medico-legal officer ng NBI at kinuha ang kanyang sinumpang salaysay.

Pulisya pinapurihan pa

Samantala, pinapurihan pa ng hepe ng PNP (Philippine National Police) na si Arturo Lomibao ang mga pulis na umaresto kay Rundren at sa mga kasamahan niya. Sinuportahan ni Lomibao ang mga pulis na humuli at
nagmalupit sa grupo ni Rundren.

Katuwiran ni Lomibao, kinilala naman ng mga paramilitar na CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ang 11 na lumahok umano sa
pagsalakay.

Nahaharap sa kasong pagnakaw at pagpaslang ang 11, karamihan ay mga kabataan kasama si Rundren, sa Regional Trial Court branch 64 sa Buguias, Benguet.

Sila ay sina Aldoz Christian Munoza, 18, mula Santolan, Pasig City; Darwin Alazar y Padilla, 21, mula Tipuso, Urdaneta City, Pangasinan; Arvie Nunez alias “Ka Palos”, 21, mula Silang, Mayaw, Lucena City, pinaghihinalaang political officer; Ray Lester Mendoza y Esquerra alias “Ka Petra”, 16, mula San Francisco, Makati City, binintangang “intelligence & investigation officer”; Neil Russel Balajadia, 25, mula Santolan, Pasig City, pinagbintangang radio operator; Jethro Villegas, 21, mula Malagos, Calinan, Davao City; Anderson Alonzo, 18, mula Malagos, Calinan, Davao City; Ronron Pandino, 20, mula San Quintin, Laguna; Frencess Ann Bernal, 15, mula Camupang, Marikina City; at Jefferson Dela Rosa y Dela Cruz, 20, mula Santolan, Pasig City.

Ayon kay Benguet police director Villamor Bumanglag, si Rundren ang lider ng yunit ng NPA, may kodang “Pasiklab” at aktibong kumikilos sa mga bayan ng Capaz at Bamban sa Tarlac.

Sinabi pa ng pulis na nasa hilagang Benguet ang grupo niya para sa isang “test mission.” Matapos ang pag-atake sa Cabiten, “nag-regroup ang grupo sa Burnham Park sa Baguio City noong Pebrero 11 para planuhin ang kanilang susunod na misyon sa Mountain Province,” sabi ni Bumanglang.

Nasa kostudiya pa rin ng pulisya ang 10 samantalang muling inaresto noong Biyernes si Rundren para sa salang ayon sa kanila’y hindi naman nila ginawa.

nina Ariston Valle at K.R. Guda

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s