Human Rights

Another Activist Murdered in Sorsogon

Bayan-Bikol’s Beverly Quintillan sent me this email just moments ago:

Pamamaslang: Pamaskong Handog sa Mamamayan!

“Walang pagkain sa mesa, walang tirahan at kabuhayan sa araw ng kapaskuhan. Wala na ngang regalo, inaalisan pa ng karapatang mabuhay”.

Kalunos-lunos ang kalagayan ng mamamayang Bikolano matapos ang bagyong Reming. Wala pa ring tirahan at pagkaing pagsasaluhan sa nalalapit na kapaskuhan. Pinalala pa ang ganitong kalagayan sa magkakasunod na kaso ng pagpaslang.

Alas 11:00 ng umaga ngayong araw, pinatay si Francisco ‘Iko” Bantog sa opisina ng turismo sa Donsol Sorsogon. Si Iko ay opisyal ng Bayan Muna sa Sorsogon at tumatayong Municipal Coordinator ng Donsol, Sorsogon.

Matapos ideklara ni GMA ang dalawang taong taning upang diumano’y lipulin ang CPP-NPA-NDF, mga aktibista at mamamayang naghahangad ng pagbabago, katotohanan at katarungan ang naging pangunahing biktima. Umabot na sa 129 ang kabuuang bilang ng pinatay sa Bikol habang 802 sa buong bansa.

Sa talaan ng KARAPATAN-Bikol, si Francisco ay ika-41 sa mga kaso ng pagpaslang sa rehiyon ngayong taong 2006. Sa loob lamang ng dalawang lingo ngayong buwan, naitala ang apat na kaso ng pampulitikang pamamaslang. Si Cris Frivaldo noong Desyembre 11 at sina Atty. Gil Gojol at Danilo France noong Desyembre 12.

Ramdam ng administrasyong Arroyo ang pagbagsak ng kanilang pekeng pangulo dahil sa lumalawak na pag-aalsa bunga na rin na mga isyu ng korupsyon, pandaraya sa nagdaang halalan, at pagkabigo na maiangat ang kabuhayan ng mamamayan. Desperado itong manatili at patahimikin ang sinumang sumuway sa kanyang anti-mamamayang programa at patakaran.

Pagpaslang! Ito ang mensahe ng papet, pasista at pahirap sa masang si Gloria sa lahat ng kanyang mga kaaway. Handa niya itong gawing regalo sa kanyang mga kritiko kahit ngayong kapaskuhan.”

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s