Political Crisis

JDV nanawagan na rin ng pagbibitiw ni Arroyo

TILA nabawasan na ang dating sigla ni Rep. Jose de Venecia. Sa pagsagot ng mga tanong ng midya noong Linggo sa De La Salle Greenhills, matamlay siya. Pero sa tanong ng Pinoy Weekly kung sumusuporta na siya sa pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo, tila nabuhayan ng loob ang dating Espiker:

“Palagay ko, malinaw na ito ang lumulutang na panawagan,” sabi niya. “Oo, hinihingi ko na ang pagbibitiw ng Pangulo.”

Pagtalikod ito ni De Venecia sa naunang pagtanggi niyang manawagan ng pagbibitiw ni Arroyo. Kung dati’y nagkakasya na lamang siya sa panawagang “rebolusyong moral,” tila lumakas ang loob niya sa harap ng lumalapad na kilusang kontra-Arroyo. At sa una niyang pagsama sa isang pampublikong pagtitipong kontra-Arroyo, tila mas handa na si De Venecia na isugal ang karera para sa paglaban ngayon sa dating mahigpit na kaalyado.

Matatandaang sa talumpati ni De Venecia sa Kamara bago siya napatalsik, inihayag niya ang ilang nalalaman niyang anomalya diumano sa gobyernong Arroyo. Kabilang dito ang pandaraya diumano ng administrasyon sa halalang 2004, pampulitikang pamamaslang at pagdukot, at tangka sa kanyang buhay at sa anak niyang si Jose “Joey” de Venecia III na saksi sa direktang pagkakasangkot ni Unang Ginoo Mike Arroyo sa $130 Milyong suhol diumano sa kontratang NBN-ZTE.

Gayunman, tila may itinatagong baraha pa si De Venecia laban kay Arroyo. Nang tanungin ng PINOY WEEKLY kung may isisiwalat pa siyang mga nalalamang kabuktutan ng gobyerno, sinabi niyang “wala pa siyang masyadong masasabi” hinggil dito.

Kenneth Roland A. Guda

Larawang kuha ni John Clemente

Unang lumabas sa Pinoy Weekly :

http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/02/pagaalsang-middle-class

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s