Government misdeed, Political Crisis

Panayam kay Jun Lozada

NATSAMBAHAN ko si Rodolfo Noel “Jun” Lozada J., ang nangungunang testigo sa kontrobersiyal na kontratang National Broadband Network at ZTE Corp., sa pangalawang palapag ng UP Law Center kanina, Peb. 22, habang naghihintay na magtalumpati sa harap ng humigit-kumulang isanlibong kabataang estudyante mula sa UP, Ateneo, UE at iba pang paaralan. Sa gitna ng pagpapakuha ng mga tagatangkilik na empleyado ng UP Law Center, nakapagbato ako ng ilang katanungan. Ito ang mga sagot niya:


Ano ang reaksiyon ninyo sa suportang nakukuha niyo sa UP, Ateneo, etc.?
In English, it is humbling, Sa Tagalog, nakakataba ng puso, kasi pagdating ko rito, puro problema na hinaharap ko. Yung bang it keeps me going.

Nakakapagpalakas ba sa family ninyo ang mga ganito?

Oo, parang it strengthens yung tired body. It lifts up your broken spirits.

Ano ang natutunan ninyo sa karanasang ito?

Talagang nasosorpresa ako. Kasi dati, talagang I’ve always thought the youth has been indifferent to what is happening to the country. And one thing that keeps me going, na nakikita ko ang mga estudyante, nakikialam na. So this is a pleasant surprise.

Yung pagpapahalaga sa ginawa ko, kayo na ang bahala doon. Kapag sa mga nasaksihan at napanood ninyo, at sasabihin ninyo na itong si Lozada, mawawala rin iyan, iyan po ang pagpapahalaga ninyo sa ginawa ko. Pero kung matapos ang inyong nasaksihan at inyo pang masasaksihan at sinabi ninyo ako ay kikilos at iwawksi ang bulok na sistema na nagtutulak sa kahirapan sa ating mga kababayan ang ibig sabihin po noon sa akin ay pinahalagahan po ninyo ang aking nagawa.

Ang inyong pagkilos ay kinakailangang ngayon na.

Ano ang masasabi ninyo sa pagsalita ni Erwin Santos (ang pumalit kay Lozada sa katungkulan niya sa Philippine Forest Corp.) kaugnay ng katiwalian daw ninyo?

Ayaw kong personalin. Marami pa sigurong mga Erwin Santos na ibabato sila sa hinaharap.
Ano ang mga plano pa ninyo sa hinaharap?

Ang mga plano ko, magpatuloy pa rin sa pagsiwalat ng katotohanan. Magsalita sa mga forum na tulad nito.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s