Human Rights

‘Pag bad ka, lagot ka

There is talk that the fraternity implicated in the aforementioned photos has taken moves to bring down the Picturetrail page. This is understandable; fraternity hazing being a criminal act under the Republic Act No. 8049, or the Anti-Hazing Law. There is, of course, also the issue of university student council elections tomorrow, where a member of the said fraternity is currently in the running for chairperson.

In the event that the Picturetrail page is taken out, I am inclined to put up the photos here in this blog. Yet lest I incur its wrath (similar to what fratman Joker Arroyo did to Lozada), I will leave the fraternity’s name unmentioned. For now.

A friend emailed me regarding the photos. He is an alumnus of one of the College of Engineering-based fraternities , and he says in a scale of 1 to 10, the hazing photos are a “1.” Meaning, fraternity initations are lot worse than what the photos depict. Says he: “Dumaan ako sa ganyang initiation noong 1963 kaya may ideya ako ng levels of torture, este physical initiation.😉. It is really a barbaric way of testing one’s determination to join a group, no doubt about it. So when I was already a frat man I did not engage in it.”

Here are the pictures, in the order that it is placed in the Picturetrail page:

1.jpg

2.jpg

3.jpg

4.jpg

5.jpg

6.jpg

7.jpg

8.jpg

9.jpg

Standard

9 thoughts on “‘Pag bad ka, lagot ka

  1. hi kenneth,

    gumagana pa rin ung picturetrail site (as of today). di nga lang makita kung sino ang may-ari ng blogsite. grabe naman talaga ang hazing na ito. totoo talaga ang paluan na ito. diba sa mga community may frat din? kuya ko ay isa sa mga frat masters at sa bahay noon merong paddle na tulad nung nasa litrato at totoo talaga na yung mga masters may “share” sa initiation rites. todo pasa pasa din ang inabot ng kapatid ko noong neophyte pa siya.

    sana hindi manalo ang tumatakbong chair na un. at sana ay matigil na ang ganitong kahibangan ng mga fraternities. kamusta na ba yung anti-hazing law? at ang UP Student Elections?

  2. krguda says:

    Hi Consie,

    May ilang pagkakataong nagiging makabuluhan din naman ang mga kapatiran. Siyempre, halimbawa nito noong Martial Law. Sa mga eskuwela, bawal ang political orgs kung kaya mas madulas na naoorganisa ang mga kabataan sa frats para labanan ang diktadura.

    Hindi ko alam kung ano magiging resulta ng eleksiyon sa UP Diliman. Sana yung karapatdapat ang manalo. Sa mga tumatakbong chair, masasabi ko lang na mahusay si Jerrie Abella na editor in chief ngayon ng Kule.

    Sana hindi masyado harsh ang weather diyan sa kinalalagyan ninyo. Balita ko magpapakasal na kayo. Congrats! Mabuhay kayo lahat diyan!

  3. concerned says:

    wala na… di na gumagana ang picturetrail page…

    kawawa naman mga estudyante… dumaan din ako ng ganyan when i was still a student…

    the sad thing is may mga gurang pa na sumali…

  4. krguda says:

    Concerned,

    Oo nga, mukhang nagkatotoo ang pagpapabagsak sa Picturetrail page na ito. Nakakalungkot nga yung mga matatandang sumasali pa sa mga laru-laro ng mga bata. Kung mayroon mang imbestigasyon na gagawin hinggil dito, dapat puruhan ang mga matatandang iyan, na nagpasimula ng walang katuturang mga tradisyon tulad ng hazing, at sumasawsaw pa sa kalokohan ng mga nakababata ngayon.

    Balita ko, nanalo sa pagka-tagapangulo ng UP Diliman-USC election ang isang miyembro ng frat na sangkot dito. Bagama’t nag-LOA daw siya sa frat niya, bakit ngayon lang, porke tatakbo siya at sangkot ang frat niya? At hindi ba nasangkot din siya sa hazing nang pumasok siya sa frat na iyan? Mahirap magmalinis ng kamay sa kanyang kalagayan.

    Sa kabuuan, higit pa sa pag-iimbestiga ay dapat talagang itulak na ang mga kapatirang ito tungo sa mas makabuluhan at progresibong oryentasyon.

  5. nicole says:

    yes, the picturetrail site is down. and yes, the aforementioned fratman did win. i don’t believe the plausibility of his being on an LOA.

  6. krguda says:

    Nicole,

    Naiintriga ako: bakit hindi kapani-paniwala ang pag-LOA niya?

    Naaalala ko, kung hindi ako nagkakamali, may USC chairperson dati na nagbitiw sa pagiging miyembro ng kanyang frat (o sinipa, ayon sa ilan) dahil sa pagkamatay ng isang neophyte diumano’y dahil sa fraternity hazing. Ang tanong din noong panahong iyon: bakit hinintay pa rin niyang may mamatay sa fraternity hazing bago kondenahin ito?

  7. mara says:

    hindi ka kasi basta-basta pwedeng mag-quit pag miyembro ka na. maaaring buhay mo ang maging kapalit, lalo na pag may intensiyon ka na ilantad ang mga kamalian at karahasan na nangyayari sa iyong fraternity. mahirap pag buhay mo na ang pinag-uusapan. pero kung iisipin mo, mas mahirap ito para sa pamilya ng mga maaari pang maging biktima. minsan lang talaga, mangingibabaw din ang kagustuhan natin na iligtas ang ating mga sarili, para na rin sa kapakanan ng pamilya natin.

  8. krguda says:

    Mara,

    Takot ang panlaban nila para manatiling manahimik ang mga nakakaalam. Dapat ipakita ng publiko na sinusuportahan nito ang pagbubunyag nila para lumakas ang loob na sabihin ang totoo sa kabila ng panganib sa kanilang sarili.

    Salamat pala sa pagbisita sa blog na ito. =)

  9. Pingback: screaming realities » Blog Archive » See for Yourself

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s