Human Rights

It’s not Karen or Sherlyn

The results for the DNA test on the cadaver found in Pangasinan are in, and as Nanay Linda had opined, it’s not Sherlyn Cadapan nor Karen Empeño. It’s a bit of good news for the families of Sherlyn and Karen. It makes me wonder, though, about the identity of the woman whose cadaver was found. Who was she? Where was she from? Are there people, loved ones like Nanay Linda and Nanay Connie, looking for her?

Here is the official press release of Desaparecidos, the organization of families of victims of enforced disappearances:

Resulta ng pagsusuri sa bangkay na natagpuan sa Pangasinan ikinabuhay ng loob ng mga ina ng UP students

Ang bangkay na natagpuan sa Pangasinan na hinukay noong March 13 at sumailalim sa pagsusuri ng mga forensic doctors ng UP ay hindi kay Sherlyn Cadapan o Karen Empeño.

Ang resultang ito ng pagsusuri ay ikinabuhay ng loob ng mga magulang ng 2 UP students. Ayon sa preliminary report na ipinalabas ng Department of Pathology ng UP College of Medicine, ipinagpapatuloy nila ang pagsusuri subalit ang kagyat nilang findings ay hindi magkatugma ang dental features ng natagpuang bangkay at ng alinman kina Sherlyn at Karen.

“Nagkakaroon kami ng pag-asa na buhay pa ang aming mga anak. Pero hindi namin makuhang magdiwang dahil alam naming ang bangkay ng babaeng natagpuan sa Pangasinan ay hinahanap ng isa pang ina,” pahayag ni Gng. Erlinda Cadapan na ina ni Sherlyn.

Dumalo si Gng. Cadapan sa pagdinig ngayon ng Court of Appeals sa writ of amparo petition na inihain ng dalawang pamilya para kina Sherlyn at Karen.

“Nananawagan kami sa ating mga kababayan na matulungan kaming makabalik nang buhay ang aming mga anak. Panalangin din naming makonsensya ang gobyerno at ilitaw nila sina Sherlyn, Karen at iba pang dinukot nila sa politikal na kadahilanan.”

May 193 biktima ng sapilitang pagkawala simula nang manungkulan si Gng. Gloria Macapagal Arroyo batay sa tala ng grupong Karapatan. Hindi pa sila nakikita hanggang sa kasalukuyan.

Ikapitong pagdinig ng Court of Appeals ang naganap ngayong araw sa pinag-isang writ of amparo and habeas corpus petition. Nakapagharap na ng mga saksi ang kampo ng mga biktima, kabilang na ang magkapatid na Manalo na nakatakas mula sa kamay ng mga militar.

Patuloy ang pagtanggi ng mga militar subalit naniniwala ang pamilyang Cadapan at Empeño na matibay ang mga ebidensyang iniharap nila sa korte. “Inaasahan namin na ang mga ebidensya ay makakumbinsi sa mga hukom ng 11th Division upang kagyat nitong bigyan ng proteksyon sina Sherlyn at Karen sa pamamagitan ng pagcompel sa militar na ilitaw sina Sherlyn at Karen.


Mula naman sa Zambales ay nagpaabot si Gng. Concepcion Empeño, ina ni Karen ng kanyang pahayag, “Nagpapasalamat kami dahil di sila Karen yung bangkay na natagpuan. Talagang nasa custody ng mga military ang aming mga anak at nakikiusap kami na sana i-release na sila upang matapos na rin ang aming pighati at magkaroon na kami ng katahimikan at makapamuhay nang normal.”

Ayon pa kay Gng. Empeño, “Nais namin ipaabot ang aming pasasalamaat sa mga kaanak, kaibigan at mga kababayan sa kanilang tulong pinansyal,moral at spiritwal sa laban na ito para sa aming mga anak at para sa mga kababayan nating biktima ng kawalang katarungan.”###

Reference: Mary Guy Portajada, National Coordinator (Mobile No. 09058234907)

Here are my previous entries on the Karen Empeño-Sherlyn Cadapan case:

Pagpupunyagi nina Karen and Sherlyn

Digging up a half-burnt body in Labrador, Pangasinan

Exhumation

Search is not over

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s