Etc.

Ka Bel

Kung tutuusin, kung paano siya nabuhay, ganoon din siya namatay. Pababa si Crispin “Ka Bel” Beltran mula sa bubong ng kanilang bahay sa Bulacan, nang madulas siya at mahulog sa hagdan. Itinakbo sa Far Eastern University Hospital si Ka Bel, at halos dalawang oras na pinilit na i-revive ng mga doktor. Ayon kay Ofel Beltran, anak ni Ka Bel, dito na nagdesisyon ang pamilya na itigil na ang tangkang pag-revive. Idineklara siyang patay, alas-11:48 ng umaga. Patay na ang kinikilalang lider ng militanteng kilusang paggawa at bayani ng masang anakpawis.

Nagulat ang mga politiko at ang mga nagbabalitang mamamahayag sa sirkumstansiya ng pagkamatay ni Ka Bel. Pero, sa totoo lang, hindi na nagulat ang mga nakakakilala sa kanya. Naaksidente si Ka Bel matapos itsek ang bubong dahil tag-ulan na. Kongresista siya at isa sa pinakatanyag at kinatatakutang kritiko ng administrasyong Arroyo – pero siya pa rin ang punong abala sa sariling bahay.

Larawan mula sa koleksiyon ni Boy Bagwis

Standard

2 thoughts on “Ka Bel

  1. jon espiritu says:

    ka bel,,
    dalawang beses ko kayo, na meet,, una sa bahay ni elmer labog,, pangalawa sa bahay nun frend ninyo ni elmer labog sa naga st,, l.p. nga 10 yrs.. na pong nakakaraan.. un…. ng walang kaabog abog,,, pinansin ninyo un SAPATOS kong ELLE brown leather shoes un na may sintas… na sinabi ninyong MAGANDA… meron kayong ONE THING COMMON ni ELMER… pareho kayo ng TASTE sa sapatos…. na maging si ELMER ay nagandahan sa sapatos ko…. hindi ko po makakalimutan un ARAW na yun…. salamat sa alaala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s