Etc.

Bulnerable sa kampus

NAKITA sa dalawang prominenteng kaso ng gang rape ng dalawang babaing estudyante ng PUP (Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas) sa Sta. Mesa at UPHS (University of the Perpetual Help System) sa Cavite kung gaano kabulnerable ang kababaihan sa sekuwal na atake sa loob ng kanilang mga kampus.

Pebrero 14 ginahasa diumano ng pinaghihinalaang mga kaeskuwela niya ang estudyante sa Cavite, pero kamakailan lang niya napag-alamang ikinalat pala ng mga salarin ang isang bidyo ng panggagahasa.

Samantala, sa PUP, noong Hunyo 25 at 26 diumano ginahasa ng humigit-kumulang 15 kaeskuwela ang freshman na estudyante sa loob mismo ng kampus. Ayon sa biktima, binidyo rin diumano ng mga salarin ang panggagahasa sa kanya.

Sa dalawang kaso, nakitang kumpiyansa ang mga salarin na hindi sila mananagot sa krimen kahit pa makita ang kanilang mga mukha sa bidyo. Para sa Gabriela, militanteng organisasyong pangkababaihan, ipinapamalas lamang ng dalawang kasong ito kung gaano kahina ang sistema ng hustisya, laluna sa mga kaso ng kababaihang biktima ng abuso.

Read more:

http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/07/bulnerable-sa-kampus

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s