Human Rights

Nang magbalikwas ang bata

PAYAT pero makisig si Jerome (di tunay na pangalan) para sa isang 17 anyos na bata. Palibhasa’y tulad ng napakaraming kabataan, maaga siyang nagtrabaho sa bukid. Mga magsasaka sa Prosperidad, Agusan del Sur ang kanyang pamilya.

Karaniwang araw lang sana para sa kanila ang Marso 23, 2007 nang maganap ang di-makalimutang pangyayari. “Galing kami sa kabilang baryo (nagsaka), pauwi,” sabi ni Jerome.

Kasama niya ang mga pinsang pawang mga menor-de-edad, at ilang kabaryong nagtrabaho noon sa bukid. Habang naglalakad, nagulat sila sa malakas na putukan. Napadapa si Jerome at ang iba pa. Tantiya nila, may naganap na engkuwentro sa pagitan ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at mga sundalo.

Nakalublob pa sila sa mga damuhan nang, tamang tama, dumaan ang mga sundalo ng 29th Infantry Battalion ng Philippine Army. Ikinagulat ng mga magsasaka ang mga sundalo. Sino ba naman ang hindi: tatlong 6×6 na trak at isang armored personnel carrier ang sumalubong sa kanila.

Nakalublob sila sa mga damuhan – sapat na itong pruweba para sa mga sundalo na mga NPA sina Jerome. Sa kabila ng mga pagtanggi, pinaratangan sila ng mga sundalo bilang mga miyembro ng NPA. “Tinadyakan sa tagiliran ‘yung pinsan ko,” sabi niya. Isinakay sila sa APC, at dinala sa kampo ng naturang yunit ng militar.

Apat na araw na ikinulong ng mga sundalo si Jerome, ang mga pinsan niya at mga kasamahan. Di pinayagan ang mga kaanak nila na makita sina Jerome. Sa ikaapat na araw, laking gulat na lamang nila nang iprisinta sila sa isang press conference ng midya. Ayon sa militar, mga NPA daw sila. Mga batang-batang rebelde. Mga “child soldier“.

Naulit ito kinabukasan. Dinala ng mga sundalo sina Jerome sa Maynila, at sa isang presscon, muling pinakilala bilang batang mga rekrut ng mga rebelde – patunay raw sa kalupitan ng NPA sa mga bata.

Basahin nang buo:

http://pinoyweekly.org/cms/2008/12/nang-magbalikwas-ang-bata

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s