Government misdeed, Political Crisis

The Pacman dances Cha-Cha

Here is the editorial that I wrote for this week’s issue of Pinoy Weekly Online:

Pakyawan sa Puwesto

TUNAY ngang kasalu-saludo, kahanga-hanga ang waging laban ni Manny Pacquiao sa tinitingalang Amerikano-Mehikanong boksingerong si Oscar de la Hoya. Muli, nagtagumpay ang Pambansang Kamao na kunin ang imahinasyon ng mga Pinoy. Klasikong kuwentong Pinoy na ang bidang minamaliit, tinatalu-talo pero sa huli’y magwawagi. Sa Bibliya, ito ang kuwento ni David at Goliath. Sa kulturang Pinoy, ito ang kuwento ng mga pelikula ni Fernando Poe Jr. Kahanay na ng klasikong mga kuwentong ito ang naging laban ni Pacman.

Siguradong kahit ang mga kumukondena sa pagpanig ni Pacquiao sa naghaharing remihen ay pumalakpak para sa boksingero. Sa bawat suntok niya sa mamula-mula at namamagang mukha at katawan ni De la Hoya, hindi natin mapigilang humiyaw para sa kapwa Pinoy. Siyempre, walang masama rito. Nakikita natin ang sarili kay Pacquiao – siyang mahilig ngumisi, siyang utal-utal at barok kung umingles, at siyang parating minamaliit pero napapatunayang walang kasinghusay.

Pumalakpak tayo sa matagumpay niyang laban, pero pagkatapos ng laban, naalala natin ang inis sa iniidolo nating hinahayaang yakap-yakapin siya, at gamitin ang pangalan at kasikatan niya, ng mga susing personalidad ng naghaharing rehimen. Una nang umakyat si Bise Presidente Noli de Castro, gayundin ang dati nang mga pulitikong sumasakay sa spotlight ni Pacman – Lito Atienza, Chavit Singson, Prospero Nograles Jr. Nakakasukang tingnan sila. Kahit pinapanood lamang sa telebisyon, siguradong naaalibadbaran ang mga Pinoy para kay Pacman tuwing niyayakap at hinahalikan nila ang huli.

Read more:

http://pinoyweekly.org/cms/2008/12/pakyawan-sa-puwesto


Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s