Elections, Government misdeed, Human Rights, Satire

Arroyos and Ampatuans: One chummy (mafioso) family

'We are one'. Gloria Arroyo with the Ampatuans, in front of the Maguindanao provincial capitol, March 2009. What a cliche: Mafiosos in shades. (Photo from the Office of Press Secretary)

WE ARE FAMILY. Gloria Arroyo, with the Ampatuans, in a ribbon cutting ceremony in front of Maguindanao capitol, in June 2009. Mafiosos in shades -- what a cliche. (Photo from the Office of Press Secretary)

It is well known that the Ampatuans — the supposed perpetrators in the massacre of more than 50 people, including women, journalists and lawyers in Maguindanao on November 23 — are chummy with the President. So chummy that, according to Senator Nene Pimentel, “he (patriarch Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr.) makes it a habit to kiss the hand of the president whenever they meed and ah, kilig na kilig naman ang Presidente.

More than kissing Gloria Arroyo’s hand, though, the Ampatuans had, as early as 2004, delcared the province of Maguindanao as “Arroyo country” during elections. Opposition candidates got zero — you read right, ZERO — votes in Maguindanao during the 2007 elections. In turn, the Palace has turned a blind eye to the family’s atrocities in the region. In 2006, President Arroyo signed Executive Order 546 in 2006 urging local government units to form civilian volunteer organizations (CVOs) and paramilitary groups in the “fight against insurgency.”

The Arroyos and Ampatuans, one chummy family.

* * *

Here is an article that I wrote for Pinoy Weekly in 2007, regarding alleged massive cheating in Maguindanao and gives some insight into how  Arroyo’s “Team Unity” senatorial candidates got the 12-0 sweep in the province. A major beneficiary of that miraculous “electionMaguindanao was said to be Miguel “Migz” Zubiri, who sits in the Senate today.

‘Katahimikan’ ng halalan sa Maguindanao

ni Kenneth Roland A. Guda, Mayo 2007, Pinoy Weekly

Who's the boss: Andal Ampatuan Sr.

Who's the boss: Andal Ampatuan Sr.

IPINAGMALAKI ni Gob. Andal Ampatuan na“teritoryo” niya ang Maguindanao, na siya ang pinakamakapangyarihang tao rito bilang pampulitika at espiritwal na lider. At bilang malapit na alyado ng Malakanyang, personal na siniguro niya sa Pangulo na magwawagi ang Team Unity at lokal na mga kandidato ng administrasyon.

“Magbibigay ako ng isang milyon (piso) sa mga (alkalde na) makakapagsiguro ng landslide victory para sa administrasyon sa Maguindanao,” deklara ni Ampatuan sa midya. Manggagaling diumano ang pera sa kanyang sariling bulsa – ganito niya kamahal ang administrasyon. Hayagang kinausap niya ang lahat ng lokal na pulitiko na hindi alyado ng Malakanyang upang huwag nang tumakbo dahil “matatalo lang kayo.”

Samantala, kuwento ng isang kapitan ng barangay sa Maguindanao na nakapanayam ng PINOY WEEKLY, isang linggo bago ang halalan ay ipinatawag ni Ampatuan sa kanyang opisina ang lahat ng alkalde sa probinsiya. “Tungkol sa nalalapit na eleksiyon” ang paksa ng pulong, ayon sa kapitan. Sa loob ng linggong iyon, ipinatawag naman silang mga kapitan ng kani-kanilang alkalde. “Ibinaba nila ang napag-usapan sa ginanap na mga pagpupulong (kay Ampatuan).”

Sa naturang pulong sa alkalde, tiniyak ang “utos” ng gobernador: Pagsabihan ang lahat ng botante sa kanilang sakop na mga barangay na iboto lamang ang Team Unity sa pagkasenador at ang lokal na mga kandidato ng administrasyon. Ipinamudmod ang mga sample ballot na naglalaman ng pangalan ng naturang mga kandidato.

“Lahat ng utos ng gobernador ay hindi maaaring pasubalian,” sabi ng kapitan. Sigurado, kapahamakan ang sasapit sa sinumang susuway.

Sa partikular na barangay ng kapitan, hindi bumoboto ang karamihan sa mga tao. Katunayan, marami sa kanila’y hindi pa nakaboboto magmula noong 1998. Dahil dito, ibang taktika diumano ang ginagawa para masigurong matutupad ang utos ni Ampatuan. Mga BEI (Board of Election Inspectors) na ang bahala. Sila umano ang magpupuno sa mga balota ng mga “nararapat” na iboto. “May ilang bumoto, pero kinokopya lang din ang nakasulat sa ibinigay na sample ballot,” ayon sa kapitan.

“Ito ang dahilan kung bakit naging ‘mapayapa’ ang halalan – dahil payapang sinunod ang utos,” sabi pa niya. “Pero ang totoo, takot ang mga hindi sumunod dahil siguradong buhay nila ang kapalit.” Ang mga sumusuway umano sa utos ay tinatawag na terorista at isinusumbong sa mga “nakakataas.” At tuluyang “pinatatahimik.”

Dahil sa utos, hindi kataka-taka nang bakit nagkaroon ng 93.5% turnout ng boto sa Maguindanao. Katunayan, sa isang munisipalidad, kagilagilalas na 99.8% ang turnout. Sa isa naman, 98.85%. Sa mga munisipalidad na ito, naging masipag ang mga BEI. Halos walang itinirang balota.

Matapos ang botohan, matagumpay na ibinandera ng mga pahayagan ang 12-0 na tagumpay ng Team Unity sa Maguindanao.

Ngunit sa sumunod na mga araw, unti-unting nabasag ang “katahimikan” sa Maguindanao. Unang nag-ingay ang Moro Islamic Liberation Front, sa pamamagitan ng tagapagsalitang si Eid Kabalu. Sa kanilang pagkakaalam, ang wika, walang naganap na botohan sa Maguindanao noong Mayo 14. Sumunod namang nagreklamo ang mga poll watcher ng National Movement for Free Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting, na nagsabing hindi sila pinapasok sa mga presinto at lugar ng bilangan noong halalan, at hindi binigyan ng kopya ng resulta ng bilangan.

Di nagtagal, lalong lumakas ang kalampag. Nagreklamo sa Legal Network for Truthful Elections ang isang di-nagpakilalang guro na miyembro ng BEI sa isang presinto sa Maguindanao. Aniya, napuwersa lamang umano siya at kanyang mga kasamahan na magpuno ng boto sa mga balota pabor sa Team Unity at administrasyon.

Samantala, sa isang munisipalidad sa Maguindanao na nagkaroon ng halalan, inireklamo naman na hindi binilang ang mga boto. Sa isang sinumpaang salaysay, sinabi ni Faizal Kalantungan, miyembro ng BEI sa isang presinto sa Pagalungan, Maguindanao, na bagaman idineklara na ng Comelec (Commission on Elections) ang 12-0 na tagumpay ng TU sa probinsiya, may 190 election returns at 38 ballot boxes na hindi nito kinanbas sa naturang munisipalidad.

Ngunit di natinag ang administrasyon. Paliwanag ni Ampatuan, hindi lang kasi naiintindihan ng mga Kristiyano ang kultura ng mga Muslim. Sa gawaing “shua,” nakikipagkonsultahan ang espiritwal na mga lider sa kanyang mga nasasakupan.

Pagkatapos ng konsultasyon, nagbubuo ng desisyon ang lider, na ipapatupad ng mga nasasakupan. Ganito umano ang nangyari sa Maguindanao. Hindi umano ito dayaan.

Ngunit hindi bahagi ng “shua” ang pananakot sa mga alkalde, kapitan at botante. Hindi rin bahagi nito ang pagpapain ng P1-Milyong suhol sa mga alkalde, at di pa alam na halaga sa BEI.

Anu’t anuman, dahil sa mga protesta, itinigil ng Comelec ang canvassing sa Maguindanao. Itinalaga nito si Komisyuner Rene Sarmiento na imbestigahan ang kaso diumano ng dayaan (na, ayon sa huling balita, ay nagbitiw naman dahil hindi na kaya ng katawan ang trabaho). Nag-alok naman si Ampatuan ng tulong. Aniya, hindi hadlang sa imbestigasyon ang kanyang tulong dahil “hindi naman nababanggit ang gobyerno ng probinsiya sa kontrobersiya.”

Dahil “teritoryo” niya ang lugar, nasa kamay niya kung anong bersiyon ng “katotohanan” ang lalabas sa “tahimik” na probinsiya ng Maguindanao.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s