Human Rights

How just is ‘revolutionary justice’?

An NPA rebelTeo Marasigan, in his review of the film Dukot, started an interesting discussion on the topic of revolutionary justice in his blog: What do we make of the punishment that the NPA rebels mete on their enemies they found to have committed grave crimes against the people?

One argument used to get broad support for the campaign against extrajudicial killings and enforced disappearances: if indeed the activists (targetted by the state for killing or abduction) broke the law, why not prosecute them within the legal bounds, instead of resorting to extrajudicial means? This inevitably leads to the question of revolutionary justice: Why not prosecute the military, its agents, its so-called death squads?

The revolutionaries usually respond with the argument that their movement prescisely has its own system of justice. In the comments section, Teo mentions that there appears to be an NPA policy that arrests by its soldiers of the suspects, if you will, must be done. If arrests are made, “people’s courts” will try the cases. But in cases where the suspects are heavily armed, it is the option of the “arresting unit” to engage the armed suspects. As far as the broad public is concerned, however, the justness of this policy depends on one’s faith, or lack of it, of the revolutionary organization and its system.

How does it ensure that the rights are respected, and that truth is ferreted out for the benefit of the people? How credible are the “judges”, the “lawyers” within such a system? The answers wildly vary, depending on who you ask.

As a progressive journalist, I’m afraid I cannot claim to be the objective arbiter of such positions. I know, however, that there are processes like the peace negotiations that can be a platform for discussing such issues: the monitoring committee for the implementation of the government and the revolutionaries’ human rights agreement — the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (Carhrihl) — is a step in determining an answer. The agreement is significant because it was based on international standards and agreements on the conduct of war. It is a start in determining whether revolutionary justice is, indeed, just.

In the mean time, here is a story that I wrote for Pinoy Weekly regarding one case of the so-called punishment by the revolutionaries of one of the supposed perpetrators of the spate of extrajudicial killings in Bicol. This story came out in 2007. I previously posted it in my Multiply blog, but had to delete it because of a threatening comment. Anyway, here it is:

Scene from Steven Sorderbergh's film "Che" where Che Guevara exacts 'revolutionary justice' on two former rebels who raped and robbed civilians and caused the death of peasants.

Scenes from Steven Soderbergh's film "Che", where Che Guevara exacts revolutionary justice on two former comrades who betrayed them, robbed and raped civilians and caused the death of peasants.

Sabong ng hustisya

Rebolusyonaryong hustisya para sa NPA ang pagpaslang sa opisyal ng militar sa Bikol: para sa AFP, ito’y barbariko.

Kenneth Roland A. Guda

Dinagsa ng mga tao ang sabungan noong Nobyembre 26, 2006 sa Irosin, Sorsogon. Ang marami sa kanila ay manonood lamang at nagbabakasakali sa suwerte. Pero may matitinding pumusta, tulad ni Capt. Patrick Baeza, 34, na may kakayahang gumasta nang malaki sa pag-aalaga ng mga panabong at pagtaya sa mga sultada.

Pasado alas siyete ng gabi nang pumasok si Baeza sa sabungan sa Brgy. San Isidro. Bagaman tubong Irosin, hindi niya nakakaligtaan ang seguridad. Saanman pumunta, nauunang dumating ang grupo ng mga armadong seguridad niya, sinasarbey ang lugar. Pagdating niya, may mga close-in security siya. Sa labas ng gusali, nakaantabay naman ang ilan pang security detail.

Bilang hepe ng intelligence unit ng buong 901st Infantry Batallion) ng Philippine Army, batid ni Baeza ang halaga ng pag-iingat. Ngunit dahil nga tubong Irosin, medyo relaks siya. Sa gabing iyon, mag-e-enjoy siya sa sabong.

Alas otso na. Tutok na tutok ang mga manonood sa girian at salpukan ng dalawang magkalabang manok.

Sa bandang likod nakaupo si Baeza. Habang titig na titig siya sa laban, tahimik namang lumalapit ang isang lalaki. Bumunot ng kalibre .45 at ipinutok sa batok ni Baeza. Bagsak ang kapitan. Sa kaguluhan, tahimik na nawala ang lalaki.

Samantala, sa labas, hindi agad nakaresponde ang mga bantay na sundalo. Pinaputukan din sila sa gitna ng karimlang lumulukob sa sabungan.

Inutang na dugo
Bago itumba si Baeza, sunud-sunod na ang pamamaslang sa Sorsogon. Isang taon bago ang pangyayari sa sabungan, Nob. 18, 2005, pinatay ng di-kilalang armadong mga lalaki si Ricardo “Ding” Uy, tagapangulo ng Bayan Muna sa Sorsogon. Enero 30, 2006, pinatay si Max Frivaldo, municipal coordinator ng Bayan Muna sa Irosin. At noong Mayo 9, 2006, pinatay naman si Neal Futalan, kapitan ng Brgy. Gabao sa Irosin.

Noong Marso 19, 2006, pinatay sa Legazpi City si Cris Hugo, 20 taong gulang na estudyante na tubong Irosin. Magkasama sila sa League of Filipino Students ni Rei Mon Guran na pinaslang naman sa Bulan, Sorsogon noong Hulyo 31, 2006.

Gimbal ang mga mamamayan ng Sorsogon, laluna ng Irosin, sa mga pangyayari. Ayon sa ilang taga-Irosin na nakapanayam ng PINOY WEEKLY ngunit tumangging magpakilala, matalik na magkaibigan ang militar na si Baeza at aktibistang si Frivaldo. Magkababata sila sa Irosin, na nagkahiwalay lamang ng landas nang pumasok sa PMA (Philippine Military Academy) si Baeza noong 1993, habang naging aktibo sa militanteng mga organisasyon si Frivaldo.

Sa pamamaslang kina Frivaldo, Uy, Futalan, Hugo at Guran, ang organisasyong kinabibilangan ni Baeza – ang militar – ang itinuturong responsable sa krimen. Iba-ibang circumstantial evidence ang nagtuturo sa militar. Ang mga biktima ay nasa Order of Battle, ang mga diumanong maysala ay nakikita sa kampo-militar, ang mga pagpaslang ay naganap malapit sa kampo-militar. Anu’t anuman, misteryoso.

Pero sa kaso ni Baeza, agad nabura ang misteryo. Isang araw matapos siyang barilin sa sabungan, inako ng Celso Minguez Command ng NPA (New People’s Army) ang pagpatay. Ayon kay Samuel Guerrero, tagapagsalita ng naturang kumand, “Ipinapaabot (namin) ang pinakamapulang pagpupugay sa mga kasamang nagsakatuparan ng pagpaparusa (kay Baeza).”

Bakit “pinarusahan”
“Mabait na bata” ang paglalarawan ng mga nakakakilala kay Baeza. Masipag at matalino, paborito siya ng mga guro noong elementarya. Sa pakikipagkuwentuhan ng PINOY WEEKLY kay Bonifacio Baeza, ama ng pinatay na kapitan, sinabi nito na lumaking sanay sa hirap ang kanyang anak.

“Laging nasa Top 10 (sa klase). Corps commander ng ROTC sa Holy Spirit Academy. Napakagaling ni Patrick,” patotoo ng ama.

Napapaluha ang ama tuwing ginugunita ang nakaraan. Aniya, determinado ang anak na iahon sa kahirapan ang pamilya, kung kaya matapang nitong pinasok ang PMA noong 1993. Kabilang sa mga ka-batch niya na nagtapos noong 1997 sina Lt. Lawrence San Juan at Lt. Warren Lee Dagupon, kapwa naging miyembro ng rebeldeng grupong Magdalo, at si Lt. Arlene Orejas-Trillanes, asawa ni Sen. Antonio Trillanes IV.

“Bago ang Oakwood Mutiny (noong Hunyo 2003), kinausap pa ng mga iyan (nina Trillanes) si Patrick, hinihikayat na sumama sa kanila,” kuwento ng matandang Baeza. Tumanggi ang anak. Pero sabi ng matanda, bihira nilang mapag-usapang mag-ama ang tungkol sa mga aktibidad ng anak noong mga panahong iyon.

Sa rekord ng AFP (Armed Forces of the Philippines), lumalabas na unang nadestino si Baeza sa 1st Infantry Battalion ng Army sa Cavinti, Laguna. Noon marahil una niyang nakilala si Jovito Palparan Jr., noo’y koronel ng Army at tanyag sa matatagumpay at madudugong kampanyang kontra-NPA sa National Capitol Region, Gitnang Luzon, at Kordilyera.

Muling nagtagpo sina Baeza at Palparan sa ilalim ng Joint Task Force Banahaw, kampanyang kontra-insurhensiya na pangunahing inilulunsad ng 204th Infantry Brigade na pinamumunuan ni Palparan. Nakabase ito sa Naujan, Mindoro Oriental. Ang Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, ay nakapagtala ng 61 kaso ng pang-aabuso ng militar noong 2001 nang ilunsad ang naturang kampanya.

Noong Enero 2004, inalis ni Pangulong Arroyo si Palparan bilang hepe ng 204th IB para mamuno sa humanitarian mission ng AFP sa Iraq. Nagkita na lamang sila ni Baeza nang pareho silang madestino sa 8th Infantry Division sa Samar, kung saan kumander si Palparan, brigadier general na, noong Pebrero 2005.

Panahon iyon ng pagtindi ng pamamaslang sa Samar. Pero hindi nagtagal doon si Palparan. Itinalaga siya bilang hepe ng 7th Infantry Division noong Setyembre 2005. Tuluyan na silang nagkahiwalay ni Baeza, na nadestino na sa 901th IB na nakabase sa Villahermosa, Daraga, Albay.

Rekord sa Bikol
Sa isang sulok ng kabundukan sa Sorsogon, nakapanayam ng PINOY WEEKLY ang nagpakilalang si Puloy, miyembro ng NPA at isa sa mga nangasiwa ng “operasyon” laban kay Baeza.

“Dati naman, nakakalabas-masok si Baeza sa Irosin. Bagaman alam ng mga kasama na aktibo siya sa serbisyo, hindi siya ginagalaw,” sabi ni Puloy. Pero nang nadestino siya sa Bikol, sumunod na ang serye ng pamamaslang sa mga sibilyang aktibista sa Albay at Sorsogon, na kinikilusan ng 901th IB.

Matagal na umano nilang minamanmanan ang mga ahente ng militar sa Irosin, kabilang si Domingo Habla, mas kilala sa palayaw na Rodel, dating NPA na naging ahente ng militar. Isa si Habla sa mga naging malapit na kasamahan ni Baeza sa kanyang paniniktik sa Sorsogon at Albay. May mga saksing tumangging magpakilala na nagsasabing si Habla ang isa sa mga triggermen sa pagpaslang kina Hugo, Guran at Uy.

Nasusubaybayan rin nina Puloy ang ilan pa sa mga ahenteng may kinalaman sa pamamaslang. Lahat sila ay nagtitipon sa bahay ni Baeza sa Irosin, na pinag-aalagaan niya ng tinaling panabong.

“Labas-masok rin sa bahay niya ang mga motorsiklo na may mga plakang napag-alamang ginagamit sa mga operasyon sa pamamaslang,” paliwanag ni Puloy. Batay sa malalim na imbestigasyon diumano ng NPA, napag-alamang si Baeza nga ang lider ng grupong nagsasagawa ng pamamaslang. Mas kilala ang grupong ito sa tawag na “death squad.”

“Malakas ang daing ng hustisya para sa mga biktima ng pamamaslang sa Sorsogon,” sabi ni Puloy. Kung kaya, batay sa kanilang imbestigasyon, pinlano nila ang “pagpaparusa” kay Baeza at sa kanyang tropa. Unang naparusahan si Habla, na binira ng NPA sa mismong sentrong bayan ng Irosin noong Mayo 15, 2006. Isinunod si Baeza. Unang itinakda ang “pagpaparusa” noong Setyembre 2006, ngunit nausog ito dahil sa pagsalanta sa Bikol ng bagyong Milenyo.

“Nagkaroon kami ng bagong pagkakataon, nang lumabas sa imbestigasyon na may malaking weakness si Baeza sa seguridad – ang pagkahumaling sa sabong,” dagdag ni Puloy.

Makatarungan?
Sa burol ni Baeza sa Irosin, nagtipon ang natitirang kasamahan niya sa grupo. Sa harap ng mismong mga dumalo sa burol, idineklara nila na “paghihigantihan” nila ang natumbang lider. “Dalawampung tao kapalit ni Capt. Baeza,” ang sinabi.

Isa si Crisanto Frivaldo, 34, sa mga kababata ni Baeza at kapatid ng naunang pinaslang na aktibistang si Max. Maingay siyang nagdiwang nang maitumba ang kapitan. Noong Disyembre 11, 2006, pinasok ng mga nakamaskarang lalaki ang kanyang bahay sa Brgy. San Julian, Irosin at pinagbabaril siya. Kinabukasan, pinagbabaril naman sa kanyang sasakyan si Atty. Gil Gojol, abogadong pangkarapatang pantao, kasama ang drayber na si Danilo France sa Gubat, Sorsogon. Marami ang naghihinala na ang pagpaslang kina Frivaldo (Crisanto), Gojol at France ay bahagi na ng “20 tao kapalit ni Baeza.”

Ayon kay Gen. Ernesto Torres, tagapagsalita ng Army, “barbarikong pagpatay” ang ginawa kay Baeza, dahil hindi naman umano ito armado sa sabungan. Ngunit taliwas ito sa pahayag ng mga saksi na nagsabing napapalibutan pa nga si Baeza ng mga badigard na sundalo sa loob at labas ng sabungan nang patayin.

Para sa ama ng kapitan, paghaharap sa korte ng gobyerno ang dapat gawin sa mga pumatay sa kanyang anak. Sa panayam ng PINOY WEEKLY, nilitanya niya ang pangalan ng mga kumander ng NPA sa Sorsogon. Kakasuhan umano niya ang mga ito.

Sa pananaw naman ng NPA, lehitimong target ng giyera si Baeza, kaiba kina Uy, Futalan, Hugo, Guran, Gojol, France at sa magkapatid na Frivaldo na pawang sibilyan. Pasok diumano si Baeza sa paglalarawan ng Geneva Convention of 1949 at Protocol I of 1977 ukol sa lehitimong sangkot sa pakikipaggiyera.

Ayon sa lider-NPA na si Guerrero, hustisya ang pinaglilingkuran ng pagpaslang kay Baeza, tulad ng mga kaparis na pagtatarget sa iba pang utak at responsable sa pamamaslang, gaya ni Palparan. “Sa muli, kami ay nananawagan sa lahat ng elemento ng AFP at PNP na kung hindi man ninyo kayang umalis o maagang magretiro sa serbisyo ay huwag kayong magpapagamit sa kahibangan ng peke, mandarambong, pasista at teroristang Rehimeng US-Arroyo na makapangunyapit sa poder sa pamamagitan ng sistematiko at brutal na pamamaslang ng mga kritiko at oposisyon.”

A scene from the musical play "Makata'y Mandirigma, Mandirigma'y Makata" at the UP Theater last November 30.

Standard

9 thoughts on “How just is ‘revolutionary justice’?

  1. kapirasongkritika says:

    Thanks for the link! Mas mahalaga, salamat sa pag-post ng artikulong ito, para mabasa ng mga taong interesado sa paksa, lalo na’t kaugnay ng Dukot!

  2. krguda says:

    Karen, maraming sinabi yung nagkomento, pero ang threatening ay ginamit ng nagkomento ang pangalan ng opisyal na sundalong pinatay. Baka mali ako, pero I felt threatened. Or spooked. Hehe.

  3. kapirasongkritika says:

    Nagkomento ako rito, hindi lumabas?

    Sabi ko: Salamat at nailagay mo na ang artikulong ito rito para mabasa ng iba.

    Ang mga aktibista naman, dinadala ang mga isyu sa korte ng gobyerno. Pero wala pa naman silang napalang makabuluhan hanggang ngayon.

    • krguda says:

      Teo, hindi lumabas. Bakit kaya? Tama ka, matagal nang minamaksimisa ng mga aktibista ang mga korte ng kasalukuyang sistema, pero ang mga biktima magmula pa noong diktadurang Marcos, wala pa ring nakukuhang hustisya.

  4. no-npa says:

    lahat ng mga sinabi mo walang katotohanan…. dapat lang na ubusin yan na mga NPA na yan! wala naman nagagawang kabutihan yan sa bayan…ilang taon na ba kayo nag “celebrate” ng anniversaryo ng CPP-NPA… wala pa ring nangyayari..ayaw ng mamamayan sa rebulusyon! panahon pa yan ni Andres Bonifacio,.. hindi naging lubus na matagumpay ang rebulusyon! kya tigilan na ninyo ang mga makasarili ninyong adhikain… prinsipyo…

    • krguda says:

      Mr. Robert “no-npa” Chua (if that indeed is your name),

      You really have to do better than say “walang katotohanan” to dispute an article. Better try again.

  5. Pingback: Pahimakas ni Rambo « Bonfires Leaping

  6. Pingback: From Theater to Film: The Guerilla is a Poet casting call | ISLANG MALAYA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s