Elections

Sagot sa kabangagan ng ilan

Ilang maikling punto hinggil sa uproar sa pagitan ng mga nagmamarunong na tulad ng blogger na ito hinggil sa pakikipag-alyansa ng Makabayan at ng Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar:

1. End of revolution? Iisipin mo lamang na ibinenta na ng mga progresibo ang (gumamit na tayo ng Kristiyanong analogy para maka-relate sila) kaluluwa nila kung aanga-anga kang iniisip mong nakataya lamang sa eleksiyon ang pakikipaglaban ng mga progresibo.

2. Trapo sina Manny at Loren? Oo naman. Kahit sila, palagay ko, hindi naman masyado aangal sa katawagang traditional politician sila. Pero sina Satur Ocampo at Liza Maza? Nanggaling at kinakatawan ba nila ang tinaguriang “naghaharing uri”? Ginamit ba nila ang kanilang mga posisyon para sa pansariling kapakanan? Yumaman ba sila habang mga kongresista? Madaling masasagot ito ng pagsilip sa idineklarang statement of assets and liabilities habang nasa Kamara.

Ngayon, kung makikipag-alyansa sina Ocampo at Maza sa mga trapo, ibig sabihin ba’y trapo na sila? Sa obserbasyon ko sa mga kumakalat na opinyon hinggil sa alyansang ito, nakadikit ang pagtinging “trapo” sa puntong nakipag-negosasyon ang Makabayan sa NP. Kumuha sila ng konsesyon. Malamang nakakuha sila ng materyal na suporta para sa kampanya nila. Transactional politics daw ito. Ang pagtingin ko diyan ay ito: Sa kamay ng mga progresibo, magkakaroon ng krisis ang terminong transactional politics. Kasuklam-suklam ang pakikipagnegosasyon ng mga trapo dahil karaniwa’y nakikipagnegosasyon sila para sa sariling kapakanan, para mapreserba ang puwesto at kapangyarihan. Pero ang mga progresibo? Ano ang nakuha nila sa transaksiyon? Pagkakaisa sa plataporma at rekurso para sa kampanya.

3. Walang pinag-iba sina Ocampo at Maza sa karaniwang mga pulitiko. Ito lang ang masasabi ko: Wala akong kilalang pulitiko ngayon na dinanas ang katulad ng mga dinanas ng dalawa, at sa kabila nito’y lumaban pa. Si Ocampo, mamamahayag na lumaban bago pa ang batas militar, nag-underground, nahuli. Tinotryur ng pagkatakut-takot. Maraming taong ikinulong. Sa kabila nito, nanatili sa kanyang paninindigan. Noong 2007, nakulong muli, pero nilabanan ang mga kaso. Si Maza, lumaban din noong batas militar. Pinamunuan ang pinakatanyag na organisasyon ng mga kababaihan sa bansa. Noong 2006, kinasuhan ng lantarang gawa-gawang kaso. Kung ilang buwang “nakulong” sa Kamara. Sa kabila nito, nanatiling isa sa pinaka-kilalang kritiko ng administrasyon sa Kamara.

Ano ang pinag-iba nila sa mga trapo? Ano ang pinag-iba ng aso sa tao?

Standard

6 thoughts on “Sagot sa kabangagan ng ilan

  1. neng mahinay noval says:

    sana mabasa ng milyun-milyong pinoy ang “ang sagot sa kabangagan ng ilan”. may nalilito at may nanglilito tungkol sa pakipag-alyansa ng makabayan at NP. pero may magagawa tayo– ipaliwanag with matching powers para makumbinsi, ipabasa ang mga nakasulat na opinyon ng iba.

  2. Karen says:

    Nang binabasa ko ang sinulat ng blogger mentioned, hindi ko mapigilan ang matawa. Ayaw ko sanang patulan, kaya lang, ang sarap asarin. So ayun. Nang-asar na lang ako. Hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s