Elections, History, RP-US relations

Royal rumble, and a story of love and betrayal

"Let's settle this through good ole' arm wrestling between cousins." (Photo from gmanews.tv)

It’s nearing February 14 once again, haha, and since we’re on the topic of the secret lives of the rich and famous, I would like to take this opportunity to once again pick on them rich and famous. Haha.

Seriously, if there is one family in this country that has been treated like royalty, I’d say it is the Cojuangcos. It so happens that the month of May this year affords us the rare opportunity to enthrone one of two members of that royal family in the running to be king. Noynoy, the current frontrunner in that royal selection process called the elections, is of course the son of Ninoy Aquino and Cory Cojuangco Aquino — the so-called Father and Mother of “Philippine Democracy”. (The latter phrase in quotation marks, as its existence — like that of England’s Camelot — has been seriously questioned by scholars.) Pitted against Noynoy is his cuz, Gloria Arroyo’s knight in shining armor, Gibo Teodoro. Before leaving the side of his uncle Danding Cojuangco, Gibo is said to have been Danding’s favored one. The Aquino-Cojuangco’s’ nemesis since the Martial Law days, Danding tutored Gibo to challenge the Aquinos in politics, while cementing the former’s economic power.

Unfortunately, this royal rumble is in danger of not happening at all. Gibo is way behind in the survey game, while Noynoy is locked in a neck-and-neck battle with one who claims to champion people who swim in an ocean of garbage (i.e. poor people). Manny Villar is a veritable gatecrasher in Noynoy’s Camelot, and could very well shortcut his way from C-5 to the Palace if the yellow army from “Bahay na Puti” do not ambush him on the way.

* * *

Like I said, it’s Valentine’s Day in a few days, so let me share with you a story of love, but also of betrayal. It is the purported story of Antonio Luna, the great general of the Katipunan and the armed resistance against US colonialism at the turn of the 20th century. It is also purportedly about a Cojuangco, and how this Cojuangco supposedly came to meet the love of her family’s life — money.

I wrote this article for the Collegian 10 years ago (the issue is dated February 14, 2000).

* * *

Ang romansa at trahedya ni Heneral Antonio Luna (isang kuwento ng pag-ibig)

Batbat ang nakaraan ng mga kuwento ng pagtataksil ng mga tao sa kanilang sinumpaang pag-ibig – sa bayan man o sa kasintahan.

Ganito ang kuwento ng trahedyang pag-ibig ni Antonio Luna, dakilang heneral ng Digmaang Pilipino-Amerikano, matinitk na taktisyan at tahasang anti-Amerikano. Dahil bukod sa pinatay siya mismo ng kapwa Pilipinong mga sundalo, ipinagkanulo din ng naging kasintahan ni Luna ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng heneral.

Metanoya

Sa unang bahagi ng himagsikan laban sa mga Espanyol, hindi lumahok si Luna sa Katipunan. Wala siyang tiwala na kaya nang magsulong ng isang armadong rebolusyon ang mga Pilipinong walang pag-aaral at walang pagsasanay sa digmaan. Kinundena pa niya ang rebolusyon at hinikayat ang mga nag-alsa na sumuko sa mga Espanyol.

Ngunit nang ipatapon siya ng mga kolonyalista sa Espanya dahil miyembro raw siya ng Katipunan, nagbago ang pagtingin niya sa rebolusyon. Isinumpa niya ang lahat ng kanyang nasabi o ginawa laban sa Katipunan. At lumahok na siya sa ikalawang bahagi ng himagsikan.

Nang itatag ang Kongreso ng Malolos noong Setyembre 1898, hinirang ni Aguinaldo si Luna bilang isa sa mga kumisyuner. Ngunit nahati ang Kongreso sa paksiyong nagtaguyod ng agad na kalayaan at pakikidigma laban sa bantang kolonyalismong Amerikano, at sa mga ilustradong nakipagsabwatan sa bagong mga mananakop na nagpoprotekta sa kanilang kapangyarihan sa ekonomiya at pulitika. Dahil sa paninindigan ni Luna laban sa mga Amerikano, pinag-initan siya ng mga lider ng Malolos. Kasama rito sina Aguinaldo, Felipe Buencamino, at Pedro Paterno, na nais makipagkasundo sa mga mananakop.

Nawawalang Anak

Ngunit bukod sa panunuligsa sa mga konserbatibo’t mapagkanulo, maraming historyador ang nagsasabi na may iba pang kuwento ang pamamalagi ni Heneral Luna sa Malolos noong 1899.

Nasa Malolos ang dating tinitirhang mansiyon ng mga Cojuangco. Pagbukas ng Kongreso ng Malolos, sinasabing nakitira sa mga Cojuangco ang ilang prominenteng lider ng gobyerno, kabilang na si Luna. Dito nagsimula ang kuwento umano ng pag-iibigan nina Luna at Ysidra Cojuangco, matriyarka ng angkang Cojuangco sa Paniqui, Tarlac.

Nagbunga, diumano, ng isang anak ang pag-iibigan nina Luna at Cojuangco.

Ayon sa pananaliksik ni Hilarion Henares, dating propesor at kolumnista, nilisan ng mga Cojuangco ang Malolos patungong Paniqui, Tarlac upang makatakas sa kahihiyang dulot ng pagkabuntis diumano ni Ysidra na walang kilalang asawa.

Ang naturang “anak sa pagkakasala,” ay nabuhay at ipinaampon daw sa kapatid ni Ysidra na si Melecio. Ayon pa kay Henares, marami ang ebidensiya na si Antonio Cojuangco Sr., lolo sa tuhod ni Tonyboy Cojuangco (asawa ng artistang si Gretchen Barretto), ang siyang nawawalang “anak sa pagkakasala” ng dalawang magkasintahan.

Nawawalang Pera

Sa huling taon ng buhay ni Heneral Luna, ipinatago diumano niya sa kasintahang si Ysidra ang mga kayamanan ng rebolusyonaryong gobyerno. Ayon sa historyador na si Alfredo Saulo:

The convoy of carts loaded with a huge amount of Spanish gold and silver coins seized from local treasuries in the Ilocos region, leading this convoy through forested areas up to the final destination in Paniqui, Tarlac, in the house of Ysidra Cojuangco, girlfriend of General Antonio Luna.

Nang paslangin si Luna noong Hunyo 5, 1899 sa Cabanatuan, sa utos diumano ni Heneral Aguinaldo, naiwan kay Ysidra ang mga ginto ng rebolusyon. At dahil hindi hayagan ang relasyon ng magkasintahan, hindi alam ng karamihan sa mga lider kung saan o kanino iniwan ni Luna ang mga ginto.

Hindi na isinauli ni Ysidra ang mga ginto.

Malaki ang ebidensiya, ayon kay Henares, na ang mga gintong ipinatago ni Luna kay Ysidra ang dahilan ng biglang pagyaman diumano ng mga Cojuangco. Matagal na ring alam ng mga viejas familias sa Gitnang Luzon na sa rebolusyonaryong gobyerno ni Aguinaldo at ng Katipunan nanggaling ang kayamanan ng pamilyang Cojuangco.

Upang itago raw ang tunay na pinagmulan ng kanilang yaman, sinasabing ipinabura ng pamilyang Cojuangco ang lahat ng rekord na maaaring magpatotoo na anak nga ni Heneral si Antonio Sr. Nawawala ang kanyang mga rekord ng pagkabuhay sa mga simbahan ng Malolos at Paniqui, at maging sa Ateneo de Manila, kung saan siya nag-aral.

Kung paniniwalaan ang historyador na si Dr. Vivencio Jose, pataksil na ipinapatay ni Aguinaldo si Luna. Maingay at delikado kasi siyang katunggali hindi lamang para sa kapangyarihan ni Aguinaldo, kundi ng mismong mga mananakop na Amerikano. Isang malaking kawalan sa mga nakikidigmang Pilipino ang pagkamatay ni Luna. Malaking kataksilan din ang di pagsauli diumano ng kasintahang si Ysidra ng mga gintong malaki pa sana ang maitutulong sa rebolusyon.

Kataksilan at kasinungalingan diumano ang naging pundasyon ng kayamanan ng mga Cojuangco, tulad din ng kataksilan at kasinungalingan na naging pundasyon ng Republika ni Aguinaldo.

Sanggunian:

Agoncillo, Teodoro. “Antonio Luna: The hero who never won a battle.” sa Weekend, 8 Hunyo 1993.

Henares, Hilarion Jr. “Antonio Luna’s Missing Descendant.” sa Smart File 14-15, 1993.

Jose Vivencio R. “The Rise and Fall of Antonio Luna.” Quezon City, UP, 1972.

Some of Henares’ claims can also be read here and here.


Standard

3 thoughts on “Royal rumble, and a story of love and betrayal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s