Progressive politics

Youth on (and under) fire

Marami raw ang na-shock sa “barbarikong” mga aksiyong protesta sa PUP at UP nitong nakaraang linggo. Napag-usapan na ang mga batayan ng pagpoprotesta — 200% pagtaas ng matrikula sa PUP, at tumitinding pagkokomersiyalisa, panunupil at di-demokratikong mga pamamalakad sa UP — pero para sa ilan, tila hindi ito sapat para bigyang katwiran ang radikal na katangian ng mga protesta.

Siyempre, ang mismong mga tumutuligsa sa mga protestang ito ang siyang mga taong naging apatetiko sa mga isyung inihahayag ng radikal na mga estudyante bago ang nakaraang linggo. Hindi man ako privy sa mga kaganapan sa PUP at UP nitong nakaraang mga buwan, tiyak na katakut-takot na mga konsultasyon, usapan, “mapayapang” protesta ang naganap. At tulad ng mayabang, kampante, at basagulerong tambay na neigborhood bully sa kalsada, dinedma lamang ng mga kinauukulang administrador ang mga ito. Kaya ano ngayon ang opsiyon sa mga estudyante? Paano sila mapakikinggan?

Sa pamamagitan ng mas radikal na mga protesta. Sa maraming pagkakataon, tila ito lang ang lengguwahe na pinakikinggan ng mga awtoridad. Kung hindi napupuwersang makinig dahil nakuha ang atensiyon ng madla, hindi mapapakinggan ang mga estudyante. Nangyari na ito sa Pilipinas, noong unang siklab ng kilusang protesta ng mga estudyante noong dekada ‘60 hanggang 1971. Nangyayari ito ngayon. Sa ibang mga bansa, sa nakaraang limang taon, paulit-ulit na nangyayari ito. Sa huli, tanging sa radikal na pagpapakita ng lakas at pagkilos ng mga estudyante lamang nagtagumpay sila.

Sa maramign pagkakataon, hindi lang upuan ang sinunog at pintura ang isinaboy ng mga estudyante.

Nepal
nepal
Paggamit ng mga estudyante sa Nepal ng radikal na mga porma ng protesta para dinggin ng pamahalaan ang kanilang demokratikong mga hiling.

News report: Students in Nepal cut electricity to protest power outages (2008)

France
france

Protesta ng mga estudyante sa France noong 2006.

News report: French Student Protests Turn Violent (2006)

Greece
greece

Kumprontasyon ng mga pulis at estudyante sa Athens, Greece noong 2006.

News reports: Greek student protest turns violent (2006)
Greek Youths Break Into State TV Center, Broadcast Protest Message (2008)

US
us

Protesta ng mga estudyante sa UC Berkeley nitong Pebrero.

News report: UC Berkeley fee protest turns rowdy (2010)

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s