Human Rights

Tagulaylay ng ina ng desaparecido

Ilang imahe sa paghahanap ni Linda Cadapan sa anak niyang dating estudyante ng UP na si Sherlyn Cadapan na sinasabing dinukot ng pinaghihinalaang militar noong Hunyo 2006, kuha mula taong 2007 hanggang 2008.

Sa Agosto 30, ipagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos. Sa ilalim ng nakaraang administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo umabot sa mahigit 200 aktibista o inaakusahang miyembro ng mga progresibong at rebolusyonaryong organisasyon ang sapilitang nawala, pinaghihinalaang dinukot ng mga ahente ng gobyerno. Ayon sa Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, nakapailalim ang mga hakbang na ito at ang pamamaslang sa mahigit 1,000 aktibista sa programang kontra-insurhensiyang Oplan Bantay Laya.

Kamakailan, idineklara ng bagong administrasyon ni Benigo “Noynoy” Aquino III ang pagpapatuloy ng ikalawang yugto ng naturang madugong programa ng Armed Forces of the Philippines.

Ang ilang larawan ay nagamit din para sa proyektong Surfacing ng Projekt Desap (www.projektdesap.org).

Ang awit na ginamit, ni Susan Fernandez Magno, ay pinamagatang “Tagulaylay ng Ulilang Musmos.” Ngunit minarapat kong gamitin dahil sa kaangkupan ng lirika nito sa tagulaylay at paglaban ng isang ina ng desaparecido.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s