Etc.

Kay Alex

Bawal magbukas ng telepono sa teatro, kaya maaaring napaaga pa sanang nalaman ko ang pagpanaw mo. Pero ilang minuto lang naman ang tumagal bago nabasa ang text. Hindi pa agad makarekober sa napanood na pagsasadula ng buhay ni Rachel Corrie nang mabalitaan ang hinggil sa iyo. Aminin mo, ang husay ng timing. Ang husay ng paralelismo. Higit sa iba, ikaw ang matutuwa sa literary device na ginamit na ito ng tadhana: dalawang buhay na maagang kinitil sa gitna ng pakikisangkot. Manunulat ka, manunulat din si Rachel. Alam mo, hindi tayo nagkausap man lang nang malaliman. Pero palagi naman tayong nagkakasabay sa pagsusubaybay. Minsan naman, nagkakatsikahan, pero labas dito, tila’y sa mga sulatin na lang nagkakilanlan. Okey lang, dahil madali ko namang nakilala ka sa iyong mga sulatin. Hindi ko alam, baka dahil sa kapapanood ko lang ng dula, o dahil biglaan ang pagkawala mo, pero mabigat kong dinala ang balita. Sa loob ng teatro, parang di ako makahinga, nanlambot ang tuhod ko, kinailangang lumabas huminga at lumuha. Kinabukasan, pagdating ng labi mo sa simbahan, muling sinukluban ng kalungkutan. Di ko mapigilan ang luha, nguynguy pa nga. Panghihinayang, marahil. Tama silang nagpupugay sa iyo at dumdakila sa naging ambag mo. Pero bukod dito, pagkalungkot lang sa trahedya ng iyong pagkawala. Ikinaluluksa ko ang pagkawala mo na parang nawala na rin ako.

Larawan ni Jordan Santos
Standard

3 thoughts on “Kay Alex

  1. Pingback: Alex Remollino: Makata mula sa Malayo « Kapirasong Kritika

  2. Karen says:

    Pagkatapos ni Alex, Ka Roda naman ang namatay. Oo, matamis-na-masakit ang pagpupugay na ibinibigay natin sa kanila. At mabigat. They lived full, meaningful lives that had left marks in the lives of our people. They meant something to our collective memory, have contributed significantly to the people’s struggle.

    Oo, mabigat na kamatayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s