Agrarian Reform

Bungkalan sa Hacienda Luisita, Nobyembre 29, 2011

Matapos ito ng desisyon ng Korte Suprema na kumatig sa pamamahagi ng asyenda sa mga manggagawang bukid.

Advertisements
Standard
Election, Etc.

Postscript to Noynoy

A news item in the Philippine Daily Inquirer reported the successful march of thousands of peasants from various parts of the country, from Northern Luzon to Southern Mindanao, to Mendiola. There, the chants and speeches inevitably led to mentioning Cory Aquino’s failure to implement genuine agrarian reform during her term. Satur Ocampo, a senatorial candidate, specifically called on presidential candidate and senator Noynoy Aquino to make a public stand for genuine agrarian reform. This may be, in part, to rectify the failures of her mother in that aspect of her governance. Remember, one of the first promises of Cory during her electoral campaign against the dictator Marcos was to “implement agrarian reform and give the land to the farmers.” This did not happen, of course, as the Aquino administration pushed for an agrarian reform program far from thoroughgoing and comprehensive as its title suggested.

In the last paragraphs of the news item was a quote from Noynoy, answering Satur’s challenge.

But Aquino, who was in Cebu, did not take Ocampo’s potshots sitting down. “Satur should be the last person to call my mother a failure. The freedom of expression he is enjoying and the freedom given to all political prisoners under Marcos, he owed to my mother. Is that failure?” asked Aquino.

(This reminded me of a story Satur once related about Cory Aquino. It was after the strike of farm workers broke out in the Cojuangco-owned hacienda, the Hacienda Luisita in Tarlac, in 2004. The militant groups, in solidarity with the farmers, wanted to picket Cory’s house in Times Street, Quezon City. It also happened to be during the height of Hello Garci protests. Cory called on Satur to her house. She was irate. Cory told Satur of her immediate family’s limited involvement in the hacienda. She then reminded Satur: “Tandaan mo, ni-release ko si Joma (Sison).” Remember that after the Edsa uprising, said Cory, she released the political prisoners. Satur, then a rebel negotiator, went aboveground to negotiate peace with the Aquino government.)

Noynoy’s reaction had nothing to do with agrarian reform. But it reflects precisely how he thinks. It illuminates us on how he came to shun the Left in his senatorial lineup for 2010 elections: He did not want the leftists to be part of his lineup because “masama ang loob niya” that the latter picketed Cory’s house in 2004. He was angry with the Left, whom he believed did not acknowledge Cory enough for her role in restoring formal democracy in the country.

The statement that we (least of all, Satur) owe our so-called democracy to Cory Aquino shows Noynoy’s and the Aquino’s aristocratic attitude towards history and their role in it. We do not owe Edsa solely to Cory Aquino, least of all, to Noynoy. They, however, owe everything to us, the people.

Standard
Human Rights

Sakada sa Asyenda Luisita

(Sinulat ko ang artikulong ito noong Disyembre 2004, ilang linggo matapos ang masaker sa mga nagwewelgang manggagawa at manggagawang bukid sa Hacienda Luisita. Matapos ang masaker, nasagap namin ang usap-usapan sa asyenda na may mga sakadang nakahimlay sa mga kubol na malapit sa piketlayn ang namatay din sa putukan. Isang bata umano na anak ng isa sa mga sakada ang namatay nang ma-suffocate ng tear gas na ipinasabog ng mga pulis at militar na nagdispers sa mga welgista. Nang makita umano ng sakadang ama ng bata ang kanyang anak, naghuramentado ito at tumakbo patungo sa mga sundalo, bitbit ang itak na pangtapyas sa tubo. Binaril umano siya ng mga sundalo. Ayon pa sa kuwento, upang itago ang katawan ng mga sakadang nasawi, sinunog ng mga guwardiya ng asukarera ang katawan ng mga ito sa isa sa mga incinerator na pansunog ng mga tuyong tubo sa loob ng asukarera.

Hindi nakukumpirma ang istoryang ito hanggang sa kasalukuyan. Gayunman, napuntahan ko at ilang mga mamamahayag ang isang kubol na pinaghihimlayan ng mga sakada ilang linggo matapos ang masaker. Iniinterbyu namin ang mga sakada nang dumating ang diumano’y superbisor nila at pinagtabuyan kami. )

Sakada sa Hacienda Luisita (Kuha ni Boy Bagwis noong Nob. 2004)

Continue reading

Standard
Election

Kapos

Hindi naman ako pundit, pero sumusubaybay din sa pulitika, pati na sa progresibo/kaliwang pulitika. Sagot ko ito sa kolum ni Manuel L. Quezon III kahapon sa PDI.

Magsasaka sa Hacienda Luisita.

Sa wakas, ipinakita na ni Manolo Quezon sa kanyang kolum ngayon sa Philippine Daily Inquirer ang matagal nang kinikimkim na kawalan ng tiwala at disgusto sa pulitika ng Kaliwa. Ito ang buod ng persepsiyon niya: Marahas ang Kaliwa, tuso ito sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang puwersang pampulitika, at wala itong marangal na layunin maliban sa maagaw ang kapangyarihan ng kasalukuyang estado-poder.

Sa unang tingin, tila may katotohanan sa mga persepsiyong ito. May armadong tunggalian nga naman na nagaganap ngayon, at kadalasang itinuturing na bahagi ng Kaliwa ang mga organisasyon at indibidwal na sangkot sa rebolusyong ito. Totoong sa tinagal ng panaho’y may napaunlad na itong sopistikasyon sa pakikitungo sa mga pulitiko, at sa mga pulitikal na partido at puwersa. At bagamat maaaring pagdebatihan ang “karangalan” sa layunin ng sinumang organisasyon, layunin naman talaga ng Kaliwa na mamuno ito balang araw, at sa katotohana’y sa ngayon pa lang ay may malinaw na itong plataporma at programa kung ano ang gusto nitong gawin sa poder kapag nangyari ang inaasam nitong tagumpay.

Continue reading

Standard
Etc., Political Crisis

A revelant question for Noynoy

From Pinoy Weekly Online:

Sa pagdeklara ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III ng kandidatura sa pagkapangulo, isang tanong ang gustong ibato sa kanya ng mga magsasaka:

Ipaglalaban ba niya ang kanilang mga karapatan?

Makabuluhang tanong ito, dahil isa sa itinuturong mabibigat na kahinaan ng panunungkulan ng kanyang inang si Corazon Aquino ay ang pagpapatupad ng “bogus” na repormang agraryo. Walang gagandang ehemplo pa sa kapalpakan ng Comprehensive Agrarian Reform Program na mamahagi ng lupa sa mga magsasaka kundi ang pananatili ng 6,453 ektaryang Hacienda Luisita sa kamay ng pamilya Cojuangco (isa sa direktang may-ari ng asyenda si Cory).

Basahin ang buo, at panoorin ang bidyo:

http://pinoyweekly.org/new/hacienda-luisita-makabuluhang-tanong-kay-noynoy/

Standard