The results for the DNA test on the cadaver found in Pangasinan are in, and as Nanay Linda had opined, it’s not Sherlyn Cadapan nor Karen Empeño. It’s a bit of good news for the families of Sherlyn and Karen. It makes me wonder, though, about the identity of the woman whose cadaver was found. Who was she? Where was she from? Are there people, loved ones like Nanay Linda and Nanay Connie, looking for her?
Continue Reading »
Posted in Human Rights | Tagged desaparecidos, enforced disappearances, Karen Empeño, Sherlyn Cadapan | No Comments »
Here is the editorial that I wrote for this issue’s Pinoy Weekly:
Hindi Sila Mananahimik
Gusto nilang manahimik na lamang ang kabataan sa mga pamantasan. Noong Abril 27, kinuwelyuhan at kinaladkad ng mga ahenteng panseguridad ng administrasyon ng UP (Unibersidad ng Pilipinas) ang dalawang estudyante nitong nais lamang magladlad ng istrimer sa harap ng mga nagtatapos na kapwa-estudyante. Lider-estudyante ang dalawa – katunayan, dating opisyal pa ng administrasyon bilang dating mga rehente ng mag-aaral. Pero walang kinikilalang kapangyarihan ng estudyante ang mga ahente. Hindi raw bahagi ng pormal na programa ang dalawang estudyanteng ito at walang karapatang magsalita. Walang karapatang magpahayag.
Read further:
http://pinoyweekly.org/cms/2008/04/hindi-sila-mananahimik
Posted in Etc. | Tagged call center, graduation, labor rights, pinoy weekly, University of the Philippines | No Comments »
Kahit papaano, sa araw na iyon, masaya si Nanay Jenny Dullano. Medyo matagumpay ang pangangalkal ng basura noong araw na iyon – kumita sila ng anak ng mahigit P300 sa pagbenta sa mga junkshop sa Payatas. May pabonus pa: isang basket ng sachet ng mantika, itinapon na sa basura at napulot nila sa tambakan. “Puwede na ’to,” ani Nanay Jenny.
Pero bihira ang masasayang araw sa mundo niya. Tatlong buwang buntis at may apat na anak ang 36-taong-gulang na si Nanay Jenny. Dahil bakasyon sa eskuwela, kasabay niyang nangangalkal ng basura ang mga anak. “Nakakakuha kami ng mga gulat na mga tapon galing sa pakengke. May talong, sitaw, repolyo, petsay, alugbati, kamote, okra – lahat ng gulay nakukuha namin sa tambakan,” aniya.
Minsan, pati bigas na tinapon sa basura, nakakapulot sila. “Basta okey pa,” ani Nanay Jenny. Noong may pasok, halos maubos ang perang kinikita niya sa pamasahe at baon ng mga anak. Kakarampot na lang ang natitira para sa pagkain. Pati tubig, kinakailangang bilhin dahil walang likas na mapagkukunan ng malinis na tubig sa Payatas.
Basahin nang buo:
http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/04/pagampat-sa-presyo-ayaw-ng-gobyerno
Posted in Etc. | Tagged food crisis, payatas, philippines, poverty, rice crisis | No Comments »
Kilalanin si Benito. Isa siya sa di-mabilang na mga batang mangangalkal ng basura sa tambakan ng Payatas. Hindi siya makapag-aral dahil walang birth certificate. Hindi pa siya nakakalabas ng Payatas sa tanang buhay niya.
Noong Abril 20, sumama si Benito sa isang children’s workshop sa Fairview, Quezon City na inisponsor ng Children’s Rehabilitation Center, Samahan ng Mararalitang Kabababihang Nagkakaisa o Samakana, at Gabriela. Kasama ang aabot sa 300 iba pang batang maralita, naglaro sila. Pinakain, at tinuruan ng origami, paggawa ng kuwintas mula sa butones, pagpinta sa mukha, at iba pa. At bago natapos ang araw, ipinakilala ang surpresang bisita: ang tanyag na artistang si Angel Locsin, na magdiriwang ng kaarawan ngayong Abril 23.
Basahin nang buo:
http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/04/si-benito-ang-espesyal-niyang-bisita
Posted in Etc. | Tagged angel locsin, payatas, pinoy weekly | No Comments »
Here is one of those little stories that tug at the heart (don’t mean to sound chummy, though, for this is hardly happy ending stuff). Benito, eight, was one of those kids that Angel Locsin briefly came across in her visit to Payatas around three weeks ago. Yesterday, again, I tagged along Samakana organizers who fetched Benito in Payatas. He just came back from working the trash and was all greasy (”parang taong-grasa,” says one of the nanays), and took a bath, excited to attend a “children’s workshop” that he had been invited to. It was to be his first time out of the dumpsite — a brief respite from the backbreaking work in the trash. In truth, those few hours with Angel Locsin were mere “pakunsuwelo” for Benito and the Payatas kids. The real work of fighting for a decent society who does not forces kids like Benito to do what they do remains.
Continue Reading »
Posted in Etc. | Tagged angel locsin, child labor, payatas | No Comments »