Nanganganib sa Iraq

SA TABI ng kalsada, nakita niya ang pira-pirasong bahagi ng helikopter at tangke. Minsan, bangkay. Nang unang makita ito ni Jonathan Abad, 35 anyos, ramdam agad niya ang panganib: Nasa gitna siya ng pinakamapanganib na lugar sa mundo – Iraq.

“Masyadong risky,” pailing na kuwento ni Jonathan, hinggil sa karanasan niya sa pagmamaneho ng trak ng langis sa Iraq. Ang masama rito, hindi man lang sumagi sa isip niyang mapupunta siya sa gitna ng giyera. Taong 2006 nang nag-aplay at matanggap siya bilang drayber sa Al Jassim Transport Co., isang kompanya sa Kuwait. Daan-daan silang Pilipino na napasok bilang drayber sa Al Jassim.

Read more:

http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/07/nanganganib-sa-iraq-0

Pangungulila ng makata

Rebyu ng Balikbayang Sinta: Passages from Exile
E. San Juan, Jr.
Lulu Enterprises, North Carolina, 2007

Sa pabalat ng libro, dalawang larawang madalas na naiuugnay sa Pilipinas: isang isla at ang karagatang kaharap nito, at takipsilim sa tabing-dagat. Maganda ang imaheng ito – at kadalasang ginagamit pa para ibenta ang turimso ng bansa. Pero sa kabilang banda, malungkot ito. Walang taong maaaninag sa dalawang larawan. Imahen ito ng pangungulila.

Matagal nang nangungulila sa Pilipinas si E. San Juan Jr., tanyag na kritiko sa kultura, makata, kuwentista at akademikong nakabase sa Amerika. Sa librong Balikbayang Mahal: Passages from Exile, daluyan ang panulaan niya ng pangungulila.

Kongkreto ang pangungulila ni San Juan. Lunsaran ng kanyang panulaan ang iba’t ibang sulok ng mundo na pinamalagian niya at minsang dinapuan ng emosyong may ugnay sa bayang iniwan. Mula Den Haag, Nederland sa Europa hanggang Willimantic, Connecticut at Ashley, North Dakota sa Amerika, di mapawi sa gunita ng makata ang alaala ng Pilipinas – ng karalitaan at korupsiyon, ng pagsasamantala at pag-aalsa.

Basahin nang buo ang rebyu:

http://www.pinoyweekly.org/cms/2008/05/pangungulila-ng-makata